Kagabi dinalaw ako ng lungkot. Niyakap ako ng pag-aalala. Humalik ang hindi namamatay na tensyon sa aking sistema. Malapit na akong umuwi, nakapareserve na ng ticket ang aking agent, nakausap ko na ang school na gusto kong pasukan at sa katapusan ipapadala ko na ang mga bagahe. Habang nasa kama ako kagabi dinala ako ng mga alaala na kapiling si Yiyeh. Halos nasanay na akong siya ang kasama sa araw araw. Hindi ko mapigilan ang pagdaloy ng luha, magkahalong saya at lumbay. Masaya akong uuwi ng Pilipinas ngunit ang hirap iwanan ng taong naging kabahagi na ng aking pakikibaka bilang OFW. Halos siya ang naging karamay ko sa tuwing nawawalan ako ng lakas para ipagpatuloy ang aking mga pangarap at sa tuwing binabagyo ako ng pagsubok andyan siya para sumaklolo, dumamay, umabot ng kamay at ibigay sa abot ng kanyang makakaya hindi lang pang-unawa kundi tulong financial. Ang aming maliit na kalendaryo malapit sa aking table nakared mark na ang JUNE 3,2011. Binibilang na niya ang araw na magkakasama kami at parang dinudurog ang aking puso sa tuwing sinasabi niya MALAPIT MO NA AKONG IWAN. Ang bawat luha na dumadaloy sa kanyang mukha ramdam ko ang lungkot pero wala naman akong magagawa pa. Lahat ng paraan ginawa na nila, kahit pa nga ang imposible at suntok sa buwan inoffer na tulad ng pagpapakasal ko sa kanya ngunit talagang hindi naging okey sa regulasyon dito sa bansang aking kinabibilangan. Sana walang time limit ang pag stay ko dito ng sa ganun sa huling hininga ako pa rn ang mag-aalaga sa kanya. Lahat na yatang pabor at benipisyo ay binigay nila sa akin. Ang aking mga pangangailangan kahit na personal siya pa rin ang nagpoprivide. Sobra ko siyang mamimiss, sana pag-alis ko huwag na siyang maghatid sa akin pero pinauna na niya na sasama siya hanggang airport. (Please God huwag naman po sana niya gawin).
Sa kabilang banda, masaya din ako kasi makakapiling ko na si Mama. Matutupad ko na aking pangako na aalagaan ko siya sa kadahilanang lagi niyang sinasabi sa akin sa lahat ng anak niya ako lang ang hindi niya nakakasama. Ang pinarason kaya gusto ko muna magpahinga sa Pinas dahil sa pagnanais kung maramdaman ni Mama ang aking pag-aaruga sa kanya. Naisip ko kasi maikli lang ang buhay at ang aking Ina ay may edad na rin. Gusto ko sulitin ang mga panahon na wala ako sa piling niya.
Ang bigat sa kalooban iwan ang parte na ng aking pagkatao. Kahapon nga habang nasa book store kami binilhan niya ako ng mga school supplies, para daw kahit malayo na ako maalala ko pa rin na hangad niya lagi ang ikagaganda ng aking buhay. Ang daming novels din ang binili niya at binigyan ako ng bag (gucci) para din magamit ko sa pag-aaral. Lahat ng info kinuha niya, pati ang address ng school para alam daw niya kung pumapasok ako at hindi. (Halos tinalo pa niya ang aking magulang sa pag-aalala, feeling ko nasa elem pa ako na kailangan i-mind at i-guide ng mga dapat gagawin.) May binigay rin na oras para mag-usap kami, every weekend from 6pm to 10pm, pati address, phone number at email number ng kanyang anak sa Canada at Beijing para just incase di ko daw siya macontact may matatanungan ako.
Bakit ganun ang hirap ng paghakbang papalayo? Anut anuman may kaakibat na lungkot. Mahirap madettach lalo na ang ganda ng aming pinagsamahan. Pinagdarasal ko na iyong papalit sa akin sana ituring din siya bilang kapamilya at kung gaanu ko inalagaan at minahal si Yiyeh sana mahigitan pa niya. Hangad ko rin na kung paano ako tinanggap ni Yiyeh ganun din ang treatment na ipapakita niya.
Sana dumating iyong araw makasama ko pa rin siya. Sana magbago ang policy ng Taiwan para madalaw at makabalik pa rin ako kahit hindi na as worker kundi bilang isang tourist. Sana...

7 Share your thoughts
mauuna na akong mag comment, pero medyo naiyak ako, nandito pa naman ako sa office, balik ako mamaya…
nakakalungkot naman. nakakiyak ate.. pero june, medyo mahaba pa ang panahon na yun.. marami pang magagawa. maraming pang alaalang magpapasaya sayo sa sandaling nandito ka na.. nakakalungkot ang kwento mo sa post mo na ito na Ang PAG-ALIS..
sana masaya ang susunod kong mababasa, na may title na ang pagbabalik..
smile na ate.. :)
ganyan talaga may mga bagay na nakasanayan ka, at ang hirap mag adjust pag dumating yung time na wala kana sa tabi nya....cheer up, importante kasama mo mother.
Ate, sorry....nalulungkot ako para kay yiyeh. Sigh! Ano kaya mangyayari sa kanya pag-alis mo dyan? :(
napaka sakit talaga pag iiwan mo ang taong napamahal sau tpos hndi mo alam kong magkikita kayo muli.. haist nkakalungkot..
nakakalungkot naman sa part mo ate at kay yiyeh...
sana makabalik ka pa at at mabisita mo sya...
maiksi lang ang panahon na yun. kaya sulitin na lang ang mga nalalabing sandali. wala talagang permanente pero hanggat nandyan pa'y bigyan natin ng halaga :D