Paalam 2010

Sanga-sanga ang binagtas kong daan sa taong 2010. Walang direksyon bagkus puro tanong. Sumabay sa agos, nakipaglaro at nakipagbuno sa kapalaran. Wala akong hinawakan kundi ang pagbabakasaling sa isang dako maiibsan ang pagkahungkag sa aking puso. Inisa-isa ko ang pagyapak sa pedestal ng sinasabi ng ilan na dapat, niyakap ko pansamantala, at binitiwan. Bumalik ako sa daan na kung saan mas lalong nagdulot sa akin ng pagkalito, mas lalo ko itong niyakap at nilagay sa sistema, ikinintal sa tuliro kung isip na "doon" ako masaya. Maayos ko naman sanang nakasanayan ngunit sa isang iglap nagbago ang lahat. Ang matayog na pader na minsan aking itinayo nabuwal ng tuluyan. Walang natira kundi alala ng mapapait na salita. Tama, mali ako kasi namangka akong hindi hinog ang aking determinasyon at pinilit kung makalimot sa pamamagitan ng magandang bukas na ipinapangako sa aking paanan. Malaking pagkakamali na aking pinagsisihan dahil ang taong iyon kahit kailan hindi nararapat masaktan. Kahit ano pang sabihin ko, nangyari na. Nakasakit na ako, nagpaasa, at walang alibi na makakapagpagaan ng loob. Ito'y ibinibigay ko na lamang sa tamang panahon. Sana dumating iyong panahon na maghilom ang sakit. Para saiyo gitnang silangan, I'M SORRY! Babaunin ko pa rin ang masayang alala. Hangad ko ang iyong kaligayahan at sana dumating iyon oras na maging magkaibigan tayo.

Nagpapaalam din ako sa alala ng aking nakasama sa buhay. Batid kung ang katotohanan ay bukas sa karamihan ngunit ang pagpapatawad ay hindi pa napapanahon. Madaming bagay ang dapat tapusin subalit panahon ang magsasabi anong mabisang solusyon. Ang mahalaga sa akin, hindi ako nagkulang sa pamilyang natutunan ko ng mahalin.

Sa di inaasahan na oras dumating muli ang pagkakataon sa akin. Mabago ang lahat at mag-umpisa ng maayos, mangarap muli at unti-unting buuin ang naibuwal na tiwala sa sarili. Dumating ang lalaking tumanggap sa akin, gumabay para muli akong ibalik sa pamilyang nagkalinga sa akin at patuloy niyang hinahawakan ang aking mga kamay sa kabila ng aking kahinaan, pagkakamali at kapintasan. Sa kanya walang takot at pag-aatubili kong nasasabi ang lahat na walang paghuhusga. Aaminin ko isang sugal din ang pinasok ko sa umpisa ngunit sa buwan ng Nobyembre lumabas ang final decision na kanyang inaantay. Ang malaking hadlang ay tuluyan na ring naglaho in God's perfect time. Hindi ko pinangarap na mag-umpisa ng pamilya at mas lalong wala sa akin sistema ang magkaron ng anak ngunit sa isang iglap binago ang aking pananaw. I'm looking forward to having a family on my own. Strange isn't it? But now, i truly believes LOVE conquers all. Makikita sa aking mukha, sa aking aura ang pagkakuntento na hindi ko naramdaman noon. At handa na akong talikuran ang akin sariling pangarap para bumuo ng pamilyang dalawa naming hinahangad.

Mula Octubre hanggang ngayon biglang bumuhos ang pagpapala galing sa Kanya. Binusog ako ng mga regalo na hindi ko inasahan aking matatanggap. Unexpected praises and surprises. Madaming nagtatanong masaya ba daw talaga ako? Masayang masaya ako. Lahat ay smooth sailing. His family welcome me with so much love and care. They help us to start a life and i am certain they will be there through rough times.

Ang taong 2010 ay masasabi kong pinakamalungkot at masayang taon para sa akin. Malungkot dahil sinara ko ang pinto ng buhay na aking nakasalamuha sa mahabang panahon, masaya naman dahil natagpuan ko ang tao na handa ko ng pakasalan. Yes, i am engaged! Madaming pwedenga mangyari ngunit batid ng aking puso, ito na ang buhay na aking panghahawakan. At pangako namin sa isa't isa si Kristo ang magiging sentro ng aming relasyon. Araw-araw inaakay niya ako sa faith na nakalimutan ko na.

Sa huling pagkakataon, humihingi ako ng paumanhin sa nakasamaan ko ng loob. Akoý nagpapakumbaba at taos-pusong humihingi ng tawad.

Salamat sa mga kaibigan na hindi tumalikod sa akin, sa mga taong naniwala pa rin sa aking kakayahan at sa taong nagbigay ng sakit kasi kung hindi dahil sainyo hindi ko mahahanap ang mga tunay na kaibigan. Salamat sa PEBA, binuo ninyo ang aking pagkatao. Dahil sa PEBA mas lalo akong naging close sa Regalado's family. (at madaming gifts na binigay si Yiyi, laptop, camera, red envelope and necklace) ^_^

Manigong Bagong Taon sa lahat!

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

Ads2