Sa Pagtayo


Nalinlang ang sarili,
Ng anino ng pagkukunwari,
Pinilit na humakbang,
Papalayo sa nakasanayan.

Ikinubli ang hiwaga,
Ang araw sa Kanluran iniluwa,
Ang bahaghari na gustong hagkan,
Ay isa din palang pagkakamali.

Umusbong sa isipan,
Ang pagbabagong anyo,
Alipustahin man ang pagkatao,
Titindig at tatayo.

Respeto ang idinadaing,
Ng gumamelang nagising,
Huwag alipustahin,
O kaya'y dutsain.

Nangingibabaw ang pag-ibig,
Buong buhay,
Nawa'y haplusin,
Ng pagsintang marikit.

Sa pagtayo,
Huwag nawang humarang,
At panlilibak ay kalimutan,
Datapwat paglaya ang ibigay.

Lalayo ng tuluyan,
Sa maskarang bumulag,
Sa pagkatao,
At dignidad.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

4 Share your thoughts

kung anuman ang sagabal at nakaharang sa taong may paninindigan ay kayang itayo ang sarili.

kaya mo na kaya?

sana makaya mo...
sana palayain ka...
sana pagbigyan ka...

at sana...

maging masaya ka na ulet ate bhing!

"you have faith as a grain of mustard seed, you will say to your mountain, "MOVE!" and it WILL move... and NOTHING will be impossible for YOU!"- Matthew 17:20

Bhing, bukod sa pinalalakas mo ang loob mo sa very inspiring na tula mo....

Aba! ang ganda ng HAIR mo sa photo. ngayun lang ako napadaan ulit e..re-bond? with matching sweet smile ha...

regards!

Ads2