Saan dadalhin ng mga paa
Sa harapan nakahilera,
Ang pasakit,
Ang pagnanasa.
diretso,
liko-liko'
maputik,
sementado,
Isip tuliro,
Nangungutya ang diwa,
Kinukutkot ang saya,
Ng tigmak na pag-asa.
Sa isang pagpapasya,
Ang daan kumitid,
Naging baku-baku,
At nabulid sa dusa.
Naghihikahos na kalooban,
Kinikitil ang gintong butil,
Tinatabunan ng mapangahas,
At ganid na pagmamaniobra.
Sa daan makikita,
Ang madlang dilat ang mata,
Namamalimos ng konting awa,
Sa kapwa aninong masama.
Sa isang banda,
Isang salo-salong hudyat ng simula,
Masaya ang halakhak,
Ng maskarang lumuluha.
Subalit batingaw ng kampana,
Dumagundong sa memorya,
Tamang daan mahirap,
Ngunit itutuloy ang paghakbang...
Aabangan ang susunod na kabanata!
13 Share your thoughts
Hindi nga natin alam kung sino-sino ang tapat na maglilingkod. Isang pagkakamaling hakbang at pagpapasya, isang bangin ang kababagsakan ng mga Pilipinong walang masulingan. Harinawang makita ng bawat kandidato ang daang walang pag-iimbot kundi ang tanging layuning makapaglingkod sa bansang naghihikahos.
Ending scene ng Cast Away ang picture. One of my favorite movie.
Salamat Bhing!
masaya ang halakhak
ng maskarang lumuluha...
lufet, ganda ng lines na 'to.
haaay, napapaisip na naman ako sa tula mo ate bhing:D
Bhing, ang lalim!... pati ako naligaw sa krus na daan.. ang alam ko, pag bumalik ka..papuntang KBR Main camp yan, derecho papuntang PX, kanan Castle Gate at kaliwa papunta kina Lenz... It reminds me of Camp Taji in Iraq....hehehe
Pag bumatingaw...may incoming rocket or mortar..
anyway, bagama't hindi ako makakabotodahil wala kaming OAV dito sa Afghanistan...sa aking palagay kay Noynoy ako sa 2010.
Cheers!
@mike, maligayang pagbabalik!
dalaw k lagi...
@ deth, salamat! gnun tlga minsan ang buhay, kht masakit kailangan ntin makisabay...nakatawa ngunit lumuluha sa ilalim.
@rio, direction tlga ng KBR ang binigay...salamat!
laging may daan...
isip na nagtatalo lang ang natutuliro at natataranta kung saan nga ba ang tatahakin.
pero huwag mag-alala... sa bawat daan ay may gabay. liwanag na mistulang tala na maaari nating sundan.
sa dulo ng daang iyon kung saan ang liwanag ay naroon ay mag bahaghari.
ay! bakit dun na naman ako pumunta? lolz!
@ azel,laging may daan makitid man o malawak...
kaht pa tuliro, my daan p rn. sa dulo ng bahaghari andun ang saya...
daya mo bakt nga pala napnta k n nmn sa rainbow? lolz!
Daan..isa lang ang tanging daan..at alam nating lahat iyon..
araw-araw, kahit saan man tayo pumunta kailangan natin ang daan..hahaha parang nawawala ako sa sarili..halatang-halata..lolz
Wag lang pong kalimutang may Puso tayong kelangan pakinggan upang matahak ang tamang daan :)
@ ruel, tama kailangan ntin ng daan... kaya lng liko liko yta ang daan ko(hahaha)
tnx sa dalaw!
@ ruel, tama kailangan ntin ng daan... kaya lng liko liko yta ang daan ko(hahaha)
tnx sa dalaw!
@ cm, tnx!
minsan ung puso ililigaw dn tau, kailangan dw balanse ang isip at puso pero sa case ko laging lamang ang puso....
salamat
sadyang ganito ang buhay. ang daming daang pwedeng tahakin. Bagamat walang kasiguraduhan kung ano ang nasa dulo. Tuloy lang ang paglalakbay. Masarap ang buhay. :)
@ rej, salamat...
tuloy lang hanggang malaman san talga ang daan....