OFW AKO

Tsai family, lahat ng anak na yan sa USA na nakatira. Ipinagkatiwala nila sa akin ang pag aalaga sa nanay nila.

5 yrs ko siyang inalagaan. Lahat ng responsibilidad sa akin nakasalalay. Sa kamay ko siya nawalan buhay, hindi ko siya pinandirihan, inaring tunay kong magulang.

Matatawag ba akong mukhang pera dahil sa pagluwas ko ng Pilipinas? Noong nawala siya binigyan ako ng kanyang pamilya ng pamana, enough reason para 'wag na ako bumalik sa Taiwan at mamuhay ng maayos sa ating lugar. Ngunit bakit ako andito?

2nd patient ko untill now, cancer patient. Taken in ICU.

Bakit ako bumalik? Dahil sa kanya, may binitiwan akong salita na ako rin ang mag-aalaga at mag-aaruga. Kung pera ang dahilan makakahanap sila ng de kalidad na nurses or caregiver na kalahi nila mismo para mag-alaga sa kanya ngunit bakit ako ang kanilang pinili, isa lang dahilan PAGMAMAHAL na pinakita ko sa kanilang magulang.




Anumang okasyon na pupuntahan ni Yiyeh kasama ako lagi. Never ko naramdaman ang maging outcast sa kanya.

Itinuring nila akong hindi iba, totoong kapamilya.





Ang hirap iwan ng pamilyang iyong minamahal, hindi rin madali talikuran ang trabahong iyong nakasanayan at mas napakahirap isantabi ang nakagisnan mong prinsipyo sa buhay. Ito ang mga unang pagsubok sa yugto ng pagiging OFW.

Lagyan nating ng sustansiya ang isinulat na artikulo. MUKHANG PERA, yan ang salita na umukilkil sa kanyang imahinasyon. Sige, aminin na rin natin na lumuwas tayo para sa pera at para lang magkapera. Ang tanong ko ngayon makatwiran bang ilagay iyon sa kanyang blog?

Lahat ng lumuluwas ng bansa may mga pangarap na gustong maabot, mga bagay na gustong maibigay sa kanilang minamahal at para sa maunlad na kinabukasan. Sa unang salta mo sa abroad ang nasa isip mo pamilya, pamilya, pamilya. Kaya mong ibuwis ang buhay para sa kanila, kaya mong kalimutan ang pansariling kaligayahan kung ang kapalit noon ang katuparan ng kanilang pangarap.
Personally, bakit ba ako nag abroad? dahil gusto kung mabigyan ng magandang edukasyon ang kapatid ko at mga pamangkin. Magkaron ng disenteng tirahan, at makatulong aking magulang. Naabot ko na siguro iyong goal ko para sa kanila ngunit bakit andito pa rin ako sa labas ng bansa?

Hindi na pera ang dahilan kundi pagmamahal sa pasyenteng aking inalagaan. Sa tagal ng oras at panahon na ginugol ko sa kanya itinuring ko ng tunay na pamilya. Hindi na salapi ang rason bakit ako andito sa Taiwan kundi pagtupad sa pangakong aking binitiwan na mananatili ako sa tabi nya hanggang siya ay pumanaw. Ang aking inaalagaan ay isang kanser patient, anytime pwede siya mawala. Pagmamahal ang nangingibabaw bakit ako nanatili hindi pera.


Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

15 Share your thoughts

apir ate! :)
nagtaasan ang balahibo ko habang binabasa ang post na ito...
ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo sa pasyente mo...
at ramdam ko rin na pupunta ka na ng edsa para makipaglaban. jowk! lolz!!

hayaan na natin ang ilang taong bumaligtad na ang utak...nasa paa na ata nila! hindi natin kelangan magpaliwanag sa isang tao na hindi marunong makipag kapwa tao at madumi ang jutakz!

basta alam natin kung ano ang totoo..kung ano tayo bilang isang OFW.

cheers! :)

Ang mahalaga Bhing, alam natin sa sarili natin na wala tayong masamang intensyon kung bakit andito tayo sa ibang bansa...

What is right must remain right, what is wrong need to be set right.

basta ako pag nag call ng support for a good cause...susuporta ako sa abot ng aking makakaya..

Bhing?


hehehe


nasaktan nga talaga toh, caregiver kasi toh eh.

I just hope magsorry na siya. That's all para matapos na toh.

wow naman.. kakabilib ka ate.. madami siguro kayong tulad mo pero sasabihin ko pa din na KAKAIBA ka..

ipagpatuloy mo lang, mas madami pang pagpapala ang kapalit niyan..

This is an "Unfinished Business", hanggang ngaun I have not come into terms with the temporary truce, the best thing is to cut our link with him until an unconditional apology is achieved.

Let us leave this issue on an "open ended" state and we will be watchful however let us try move forward with our heads held high as we face the challenges of our lives.

God bless you.

Idol kita..Isa kang tunay na Pilipino - likas na mapagmahal kadugo man o hindi..

Sana mag-apology na itong taong tumatawag sa ating mukhang pera..inshallah..

it's very difficult for some people to think beyond the boundaries of their own experiences.

This really says it perfectly.

Tandaan mo Bhing di pa tapos ang laban... pwede pang tahakin ang kabilang daan kung gumawa siya ng isa pang pagkakamali.

Wow, dapat nasa casts ka sa movie ni sharon cuneta na caregiver... masyadong similar ang istorya mo... tunay na kahanga hanga... saka siguro dahil malambot ang puso natin kaya pati sa trabaho ginagamitan din natin ng puso... hanga ako sa iyo!

p2bpofw-(proud to be pinoy ofw)

kahanga-hanga ka...

ganon ako kabusy kaya i missed this post???

awts!

tama si kuya kenji... nasaktan ka talaga dahil sumapul sayo ang "imahinasyon" ng makatang walang tugma! lolz!

pero move on ate bhing...

sabi ko nga kay Kosa... sakaling hindi ito matuldukan.... sa paglipas ng panahon nasa internet na ang kalapastanganan nya... at kapag nagkaron sya ng "inakay" at lumaki ang mga ito at i-google ang pangalan nya.... sasambulat sa mga ito ang kalapastanganan na ginawa nya sa mga OFW...

hindi man ngayon ang panahon... pagsisisihan at pagbabayaran nya ito sa huli.

try mong i-search ang pangalan nya sa google... sasambulat sayo ang katotohanang hindi na mabubura sa malawak na mundo ng sapot! at iyon ay ang direktang pagyurak niya sa dangal ng OFW!

napahanga mo ako dito, malaki ang respeto ko sa mga ofw na nakikipagsapalaran sa ibang bansa maitaguyod lamang ang pamilya at magkaroon ng maayos na pamumuhay.

ate, you have a very noble job.

Bing, minsan may nakita akong Pinay na papauwi sa Pinas. inihatid sya ng buong pamilyang pinaglilingkuran nya. Kita ko kung paano sya nalungkot nung yakapin sya ng mga bata pati na rin ung nanay ng mga bata. Sabi ni kabayan: babalik ako, madam.

Alam mo, umapaw sa tuwa ang pakiramdam ko para kay kabayan at sa pamilyang pinaglilingkuran nya.

un din ang pakiramdam ko while reading your post.

Like what Rej said: yours' a noble job.

ngayon ko lang po nabasa ang inyong post tungkol sa paninirang ito.

Saludo ako sa inyo, taglay nyo ang tunay na ugaling pinoy... tayo lng yata sa lahat ng bansa ang patuloy na nagaalaga sa ating mga magulang kahit sa kanilang pagtanda.

At dala natin ang mabuting asal na ito mapalayo man tayo sa ating mga minamahal at kaya natin itong iapply sa ibang tao dahil puno tayo ng pagibig sa puso natin at di natin kayang tiisin kahit pa ang di natin kadugo.

Pitty the guy who wrote blaphemuously about OFWs... he has no balls im sure.

Ads2