Tuesday, July 25, 2017

Dahilan Bakit Nasisira ang Pamilyang OFW




Sa buhay may asawa madaming pagsubok na pinagdadaanan, lalong-lalo na kung malayo kayo sa isa't-isa. Laging challenge ng pagiging OFW ang mawalay sa kanyang pamilya.

Alamin ang kanilang mga rason bakit may pagkakataon na nasisira ang pamilyang OFW.

Ito ang kanilang mga saagot sa Question of the Day ng Radyo OFW.

1. KUMUNIKASYON at ORAS
     Dahil sa malayo minsan nawawalan na sila oras. Ang madalas nilang ginagawa at pag-uusap ay nababawasan ng nababawasan hanggang makasanayan na nila, at hindi nila namalayan nag-enjoy na sila pareho sa bagong mga kaibigan o nakakasalamuha na nagiging dahilan ng pagkasira ng relasyon ng kanilang pamilya.

Candy Ruiz: Kawalan ng oras sa isat isa.  Mas inuuna ang barkada at sarili lang in short pabaya sa pamilya.

Freed Dom:  Both party turns weak,kung husb ofw discourage sa mga insecurities na paulit ulit na sinasabi ng wife..dahil ang lalaki..nakuntento na sa padala nya na wala na syang tungkulin at dapat malaman...from wife, hanggang tuluyang manlamig lalaki sa asawa,na hindi dapat ganun.kung ofw wife..dapat Ipagpatuloy ang pagging malambing pa rin...huwag magkulang sa tungkulin nya,ung paalala..palagi iwasan pagdududa..pagusapan plagi ang future..plans..goal kung bakit pansamantalang maghihiwalay ..at madalas pagkawala ng tiwala sa isat isa..na bunga ng pág iisip.
Ang sigurado ko walang ofw na ginustong masira ang relasyon


 2. TUKSO
     Sa ibang lugar maraming kaibigan na makikilala, ang iba nagiging daan para sa kabutihan ngunit ang iba naman ay magbubuyo saiyo sa kapahamakan. Nakakalimot sa responsibilidad  at tuluyang nagpapatianod sa udyok ng tukso.

Irene Villaflor:  Lack of trust...kunting tsismis lng react agad..hnd BH pwede maaktuhn mu kysa tsismis lng.

Maricel Danao: 3rd party. Madaling nagfall dahil natukso, nakalimutan ang rason bakit nag-abroad.

Jane Gabato: Pamilya ng ofw ang laging naninira s pamilyang naiiwan dahil natutukso sa paglayo ng asawa. Walang pananalig sa Diyos.

 3. PERA
    Kapag ang pamilya ay nakahiligan ang mga materyal na bagay at hindi rin makontrol ng OFW ang mga needs ng kanyang pamilya lalong lalo na ang mga anak. Kailangan laging nakasunod sa uso to the point na nababaon sa utang, ito na ang magiging dahilan para lumayo sila sa bawat isa.

Tess Lim:  Hindi pinapangalagahan ang perang pinapadala ng ofw or winawaldas 2. Nppabayaan ang mga anak.

Delfin Miguel Jr.: yung misis na naiwan sa pinas ay nanglalake at nilulustay ang perang padala ng mister niya .... walang ginawa si misis kundi makipag party lang .

Ana Vargas: Inuuna ang mga luho kaysa pag-iipon. Bili dito, bili doon samantalang si OFW kumakayod ng todo.  

 4. TIWALA
    Kinain ng pagdududa dahil sa tagal ng panahon na hindi magkasama. Madalas ito ay magsisimula sa simpleng selos na nauuwi sa malalim na argumento.

 Sheryl Taopo:  Selos... ito ang dahilan kong bkit nagkkahiwalay ang mag asawa dhl ncra yong pinkamahalaga s mag asawa.. TIWALA.

 Bhebs Libra: Walang tiwala sa isat isa,kulang sa communication,dito magkaroon ng negative mind..naniniwala sa haka haka.

 Elsa Macas: dapat my tiwala sa isat isa at syempre pray lgi...at ang nah ipadala iponin ng asawa kc mahirap magtrabaho sa abroad at malayo pah sa pamilya.. ilang taon pah ang lumipas saka kayo magkita ulit.... dapt loyal sa isat isa kht my tokso man dpt d patulan kc yan ang nakakasira sa isang pamilya....



 Source:  Radyo OFW
https://www.facebook.com/RadyoOFW/photos/a.1056344361116286.1073741828.1054060658011323/1330540190363367/?type=3&theater



   

No comments: