Thursday, June 23, 2016

Ligaw Na Alaala


Ligaw na Alaala


Biglang kinalabit ng lungkot.
Ang diwang naglilimi-limi,
Pinapalingon, ngunit pilit nilalabanan,
Ang dikta ng malumbay na awitin.
May naalala,
May gustong sambitin ang mga labi,
Piping sigaw ang pangalan mo,
Ngunit di pagagapi o kaya'y patatalo.
Buntong-hininga,
Nababagot,
Nalulungkot.
Tinitingnan sa gilid ng silid, 
Ang iyong obra, 
Ang larawang masaya.
 
(Ang larawan ay sariling obra, kuha sa bansang Japan)

No comments: