Sunday, October 11, 2015

Kamay Ni Hesus











Pumunta kami sa Kamay Ni Hesus noong nakaraang Wednesday. Umalis kami ng Cubao vis Jac Liner 12am, nakarating kami sa Lucena ng 3am. Dahil sa masyado pang maaga nag stay muna kami sa Jollibee hanggang 5am. Ang jeep papunta ng Lucban, Quezon ay inantay pa naming mapuno.

Nakarating kami sa Kamay ni Hesus ng 5:00 ngunit ang bukas ay 6am, nag antay kami hanggang pwede na sila magpapasok. It was a meaningful experience. Going to the top of the mountain was a fulfilling moment. I tried to count the stairs, 300 steps (I hope I am not mistaken). On the way up, we enjoyed the scene, every step we made was a one step closer to embracing the faith I am into.

What really inspired me with this journey was Mama's determination to reach the top inspite of her old age. Such an inspiration seeing her, I knew she was struggling  but she managed to conquer and attain the goal.

The Mass was headed by Father Fuller. It was one of the best mass I've experience.

Thank you Lord for allowing me to see the light. Thank you for your mercy and compassion.

Thursday, October 1, 2015

Magandang Umaga



Dinalaw muli ako ng pagkabagabag, at madaming tanong na sumanga pa rin ng ibang katanungan.
Habang binabaybay ko ang daan kaninang umaga, nakita ko ang larawang ito, mag-ama, nakatira sa kalsada, walang sariling tirahan. Sumagi sa isip ko, paano kaya sila natutulog sa malamig na gabi o kaya sa biglang pagbuhos ng ulan? Ang kinakain nila saan nanggaling?

Naisip ko rin, ang swerte ko pa rin pala. Kumpara sa mga pinagdadanan ko dapat pala akong mahiya dahil sa gabi nakakatulog ako ng mahimbing, may malambot akong kamang hinihigaan.