Early morning scene

 with Ms. Grace (UP professor) doing Babaylan ritual

 the 4 element

 Ofw protesters

unexpected bulk of protesters

 the PEBA volunteers together with sir Lito Soriano of LBS

 United PEBA
 PEBA and LBS Ladies

 Signing of the petition #scrap pork barrel now



 Be Honest


Cabalen Restaurant @ Robinson Manila

Gabi palang nakahanda na ang mga dadalhin ko sa "picnic" sa Luneta. Paggising ko sa umaga, tinulungan ako ni Ate sa paghahanda ng sandwich na nilaan ko sana para sa mga volunteers ng Pinoy Expats/OFW Blog Awards (PEBA) pero since ang daming dalang pagkain ni Sir Lito Soriano of LBS hindi ko na nailabas ang bitbit. Sa pag uwi namin doon ko nalang pinamigay sa mga bata lansangan . Ang PEBA ay isa sa active na nanawagan sa mga OFW para magparticipate kahit na nasa malayo sila sa pamamagitan ng social media. 

Nanariwa sa akin ang alaala noong nag-aaral pa ako sa PUP. Madalas nagpaparticipate ako sa rally lalo na sa pagtaas ng tuition fees. Noon umalis ako ng bansa, kinalimutan ko na ang pagsali sa mga 
 aktibidad sa kalsada. I've done my part during early years, I don't want to endure again the misery/pain of not being heard when for the fact what you cried for were for the goodness of others. Kahapon, bumalik ako sa kalsada ngunit hindi dahil makakaliwa ako ngunit gusto kong sumuporta sa laban ng OFW kontra pork barrel. Ilang kaibigan ko ang nagtext sa akin, against ka na naman ba sa gobyerno? Hindi ako kontra sa gobyerno, at kung magkakaron ng panawagan para patalsikin si Pres. Noynoy hindi ako pupunta. Madami siyang nagawa na maganda at hindi pa rin nawawala ang tiwala ko sa kanya bilang pangulo ng Pilipinas. 

Sumali ako sa Babaylan Ritual kahapon sa pangunguna ng UP professor even had a chance of being interviewed by channel 5. Nakakapanibago na ang mga aktibista ngayon, very vocal na sila "LOUD and OUT". Dati, makikita lang namin sa lansangan iyong talagang makakaliwa pero kahapon sa aking obserbasyon naging family picnic ang nangyari. Kahit mga bata kasama ng kanilang magulang sa kanilang martsa sa Luneta. 

Ang daming personalidad na pumunta andyan si Willy Revillame, Lozada, former chief justice Renato Corona, Winnie Monsod, Gloria Diaz, former senator Nikki Coseteng, Leo Martinez, at madami pang iba. Lahat naman naging maayos ang pagtanggap maliban kay CJ Corona. The protester boed him kaya napilitan nalang siyang umalis sa pagtitipon. 

Sa pangkahalahatan naging mapaya ang rally, may disiplina ang bawat grupo (walang nagkalat na basura) o naghasik ng dahas. Naging matiwasay, kantahan, paglabas ng hinaing, at sayawan. 

Read More »

Kahapon (8-24-13) isa na namang makabuluhan pagtitipon ang aking napuntahan. "Baybayin, Karunungan ng Bayan" ay itinanghal upang ipagdiriwang ang Buwan ng Wika na ginanap sa Bahay Nakpil sa siyudad ng Quiapo, Manila. Ito ang kauna unahang pagdalo ko sa ganitong okasyon. Halos lahat ng mga andun ay mga makabayan at may ibat't ibang nirerepresent na organisasyon o kaya'y unibersidad sa Pilipinas.

Ang pagbabahagi ay nagsimula sa ganap na alas dos ng hapon. Inabot din ito ng 3 oras. Bigla kong naisip malaking bagay ito para sa aking kaalaman, malaking bagay na muli kung balikan ang  kasaysayan. Nainspire ako, at muli kung babalikan ang mga pahina ng kasaysayan. Nakakalungkot isipin na isa ako sa mangmang sa kaalaman pagdating sa ating history. Madami akong hindi alam, mga mahahalagang nagyari lalo na ang mga buhay ng katipunero.

 The History of the place


 Umpisa ng patimpalak

 Ang Bahay Nakpil sa kasalukuyang henerasyon

Si Oriang

 Ang damit ni Gregoria de Jesus (asawa ni Andres Bonifacio)

 Certificate of Attendance

 Pagpapakilala
 The famous Pangalay Dancer Orlan de Guzman


Dr. Teresita Obusan(Dalubhasa ng Kalinangan ng Pilipino), Reimon Cosare (Dalubahara ng Sikolohiyang Pilipino), and Orlan de Guzman (Tagapagpadaloy ng Pangalay)




Bahay Nakpil-Bautista is an early twentieth-century house in Quiapo that has been made into a museum. It is both an architectural and historical attraction. It was built in 1914 by asuccessful physician, Dr. Ariston Bautista and his wife Petrona Nakpil. Having no children, they shared the house with Petrona's two brothers and their families. Bautista was a philanthropist and prominent figure in society who was deeply involved in the Philippine Revolution and was a good friend of Jose and Juan Luna.
One of the brothers who joined the couple in the house was Julio Nakpil, the Vice-President Supremo of the Katipunan and a pianist who composed patriotic pieces such as Marangal na Dalit ng Katagalugan. His wife was Gregoria de Jesus, the young widow of Andres Bonifacio, who organized the women of the Katipunan to aid in the Revolution.
The celebrated painting Parisian Life by Juan Luna, now the main attraction of the GSIS Museum, originally hung in the Bautista-Nakpil house.
The architecture of the house itself is unique. It was designed by architect Arcadio Arellano in the classic bahay na bato style with detailing in turn-of-the-century Viennese Secession style done to complement the Viennese Secession furniture given to Dr. Bautista. The carvings, woodwork and grillwork are executed in the same abstracted, geometric lines that depict floral patterns.

Bahay Nakpil-Bautista is located on A. Bautista (formerly Barbosa) Street, perpendicular to Hidalgo Street opposite Quiapo Church. A. Bautista Street is parallel to Quezon Boulevard in Quiapo.

Source: www.wikipilipinas.org
Read More »



Sa darating na Lunes, idaraos ang Martsa sa Luneta ito ay ating pagpapahayag na iabolish ang pork barrel ng mga pulitiko. Isa ako sa dadalo sa pagtitipon na ito. Madami akong gustong sabihin at ihayag na sentimiento ngunit hindi pa hinog ang panahon. (baka makasuhan pa ako) hahaha! Dekada na ang lumipas ng huli akong sumigaw sa kalsada. Kinalimutan ko na ito, dahil naniniwala akong hindi ang pagsigaw sa kalye ang solusyon sa problema subalit muling nabuhay ang aking dugo nitong mga nakaraang Linggo dahil sa walang pakundangan na paglapa ng mga "higanteng linta" sa pondong dapat nasa mahihirap nating kababayan.

Dumaan ang Habagat, ang bagyong Maring, dito muli kong nakita kung gaano kakapos ang ating bansa, kung paanong ang mahihirap ay pikitmatang sumasaya sa relief goods na nakukuha. Hindi dapat ganito, kung napupunta sa tama ang bawat salaping binabayad sa buwis.

Sa mga pupunta, konting ingat po. Magsasama sama tayo hindi para pabagsakin ang gobyerno kundi isa ang layunin natin, papanagutin kung sinu man ang buwayang kumamkam ng salapi na dapat mamamayan ang nanginginabang. 
Read More »
I Found Love


Thinking of how many more months I have to endure to see you is like forever. I want you so bad, there will never be another one for me. You have given me so much that I will never be able to repay you back and that makes me feel grateful to God that He sent you to me. You are the reason why I can stand here today and be brave about every thing that life has to give. You made me feel alive again.

Before I met you, my life has no direction. I was in deep pain and my own demons was my constant companion but when you came, my life has changed for the better. You gave me so much joy and hope. I know that in my hour of need even if the world deserts me, you would never and that makes you the only one who could complete me.

I found a true happiness. I love you so much!
Read More »
Wanting You So bad

Sometimes I just like to sit here and listen to tragic, romantic, depressing music just so that the feeling flares to an extreme inside of me. I want to keep the fire that burns deep inside of me alive. I feel like life, and people and things are trying to smother that flame. I can’t help but want to feel the intense pain of not having you here. If I focus on all the physical pain, it helps me to keep you close. Having little, small memories, in safe keeping in my mind. If I relive the hurt everyday I can still keep you. It’s a pain that I willingly put myself through just to remember every curvature of your face.


Today I’m very emotional. I’m not feeling to good, and it’s days like this that I wish you were here to make me feel better. Bring me soup, cuddle with me even though you might get sick. I wish that you could just be here with me. I wonder if you even realize that I want this. I try to pretty much yell it at you. I wish you would even skype me, making funny faces and telling me stories that distract me from the fact that my immune system is attacking itself. I just wish that you were here. It would be better than any medicine to treat me.


~Anonymous~
Read More »



Napapansin ko madalas ako dalawin ng Qatar. Bawat open ko ng aking blog, ganito ang aking nakikita. Ano kaya ang gusto niyang malaman sa blog ko? Halos lahat kasi ng article binabalikan niya. Kung gusto niya malaman ang about kay Ex, don't worry some of my articles nakahide na. Pwede ka magrequest sa akin kung gusto mo mabasa. :)


Huwag kang mag-alala hindi tumatawag sa akin si Ex, ganun din ako. Walang text, walang tawag hindi kagaya noon na halos 5x siya tumawag, plus skype at ym. Wala din akong plano na manggulo or umepal sa kung anuman ang relasyon ninyo. I wish you all the best. Ganun ko siya minahal, sabi ko sa oras na hingin niya na bitiwan ko na siya ibibigay ko, pero napagod din naman ako hindi pa niya hiningi binigay ko na.

Ako ang pumutol sa nag uugnay sa amin bilang magkasintahan ngunit madaming possibilidad na magkita kami at maging magkaibigan. Ang dami niyang naitulong sa akin, kaya kahit anong mangyari, thankful ako doon. Ang daming magandang moments that I would cherish it for the rest of my life. Ang dami niyang naiambag sa aking pag-aaral. Utang na loob ko sa kanya kung nasan man ako ngayon. He was a good provider from the start of the relationship until nakagraduate ako ng nursing.

Interested if I am taken right now?

Feel free to assumed.

Just one piece of advice: "Be happy while it last"
Read More »




Bawat isa sa atin ay naghahangad ng masayang pamilya at matatag na kinabukasan. Ang pangingibang bayan ng isang manggagawa dala nila sa kanilang maleta ang mga pangarap, bitbit at baon nila ang pag-asang sa ibang bayan makukuha ang kanilang adhikain. Ninanais natin na maibigay ang maayos at magandang buhay para sa ating mga pamilya. 

Bilang dating OFW sa Taiwan, ang malayo sa pamilya ang isa sa mahirap na desisyon ngunit during that time mas nanaig sa akin ang kagustuhan kong makapag aral ang aking pamagkin at kapatid. Naramdaman ko noon ang pagnanais nila na makapagtapos kaya lakas loob kung tinahak ang landas ng pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Mapalad ako sa pagkakaroon ng amo at pasyenteng sobrang bait sa akin at itinuring akong isang kapamilya. Sila ang naging tahanan ko sa loob ng siyam na taon. Naging kaagapay ko na rin sila sa pagtupad nga mga pangarap ko sa aking pamilya sa Pilipinas. Sa tuwing kailangan ko ng tulong andyan sila para dumamay at magbigay ng supporta. Sila din ang naging daan para mapagtapos ko ang 3 kung pamangkin ng college at aking bunsong kapatid. Lahat sila naging degree holder dahil sa aking pagsusumikap na maibigay ang pamanang kailanman hindi mananakaw ang edukasyon. Sinu ang mag-aakala na kukunin din nila ang kapatid ko, kapalit ng trahabo na aking iiwanan sa Taiwan. Ang bunso kong kapatid ang pumalit sa akin dahil pinagpatuloy ko ang nursing course sa tulong din nila. Kahit hindi na ako nagtatrabaho sa kanila binibigyan/pinapadalhan pa rin nila ako ng pera para sa aking pag-aaral.


Sa kasalukuyan ay natapos ko na ang aking kurso, nagtapos ako na nakuha ang "Academic Excellence Award". Pinag-igihan ko ang aking pag-aaral, nagsunog ako ng kilay dahil alam ko iyon lang ang magagawa ko para suklian ang bawat sentimong binibigay nila sa akin. Hindi ko sinayang ang oppurtunidad at pagkakataon. Sa bawat pahina ng aklat na aking binuklat at sa bawat paglagas ng kalendaryo baon ko ang pag-asang sa pag-akyat ko ng entablado silang na naging susi para makapag aral ako ay magsasabing "We are proud of you". Sila ang inspirasyon ko na mas lalong maging mabuting tao.


Habang nasa Taiwan ako, naging libangan ko ang pagsusulat ng poems, essays at personal journal. Sumali din ako sa mga pacontest, naging runner up ako sa isang pacontest sa Taipei at sumali din ako sa iba't ibang organization. Kahit wala akong day-off(sarili kung desisyon na wag mag day-off) ay nakakasali pa rin ako sa pamamagitan internet. Pinapadala ko sa kanila o minsan hinuhulog ko sa post office ang aking entries. Isa din ako sa pinalad na mabigyan ng parangal ng Pinoy Expats/OFW Blog Awards (PEBA). Naging "Outstanding Blog Top 7 winner ako (OFW category). Ito ang aking entry Pagsasalamin Sa Salitang Pamilya. Ngayon December muling gaganapin ang Blog Awards with a theme "Salamat OFW sa Masayang Pamilya at Matatag na Ekonomiya." "Thank you OFW for a Happy Family and a Stable Economy" Ito ay pagbibigay pugay sa ambag ng manggawang Filipino hindi lang sa kanilang pamilya pati na rin sa ambag sa ekonomiya ng ating bansa. Naging active volunteer ako ng organization dahil naniniwala ako sa kanilang mga adhikain. Naging pamilya ko na rin sila.


Tayong naging OFW at kasalukuyang OFW ay tinatawag na Bagong Bayani, nagiging sandalan tayo ng ekonomiya dahil sa ating mga remittances. Isa din tayo sa nagtaguyod ng ating bansa, kasali tayo sa matatag na ekonomiya. Habang may pagkakataon, mag impok at pangalagaan natin ang pera na ating pinaghihirapan.
Read More »

Last Friday, nakipagkita ako kay Pete at Fritzie. Nakabonding namin siya sa Xocolat Restaurant. Si Bb. Fritzie ay galing ng California, USA, andito siyaLast  sa Pilipinas para gumawa ng pag-aaral tungkol sa migration. Nakipagkita siya sa amin dahil gusto niya malaman ang naging karanasan namin sa ibang bansa, ang struggles at tagumpay. Kung gaano kahirap ang pinagdaanan at ang mga masasayang araw. Ang daming topic na napag-usapan tungkol sa pagiging OFW.
Bawat pagkakataon na nakakatagpo o may nakakasalamuha akong lumaki na sa Amerika kadalasan sa kanila ay hindi na matatas magsalita ng tagalog, slang na masyado o di kaya naman ayaw na nila talaga magsalita ng ating wika pero si Bb. Fritzie ay mapapamangha ka, mas malalim pa ang mga ginagamit niyang tagalog at sa loob ng almost 5 hours namin pakikipag usap sa kanya puro lang tagalog ang salita niya. Nakakabilib ang ganung pananaw, hinahangaan ko siya sa pagiging maka Pinoy sa kabila ng mahabang panahon niya sa US.

Sana matapos niya ang kanyang thesis, sana iwagayway niya ang ating bandila sa mga darating na taon at sana lahat ng nashare niya sa amin na ideas ay maisabuhay sa librong kanyang ginagawa.

-------------------------------------------

My first module exam in Computer today. Tinapos din namin ang topic dahil on Monday, new module na. I got the perfect score, perfect timing for me because I thought I won't fit-in in the class knowing that all my classmates are computer literate. I want to be more competent in my chosen career. I won't give up. 

Flying high! Aiming for the star!


Read More »


What: World Food Expo
Where: World Trade Center and SMX MOA
When: August 03, 2013


 I attended the World Food Expo through the invitation of my good friend Pete. Hindi naman talaga iyon ang original plan namin pero since he has a friend na maglalagay ng booth kaya sumama na rin ako. First time ko maka attend ng event na ganun. It has a different varieties of food from different countries.

 Sobrang na amazed ako sa mga cakes na nakadisplay. I love free tasting too. Iyong diet ko na 2 weeks kinain ko lang naman kaya sayang din. I love the cheese. So yummy from Belgium.

May pacontest din, bardenting, cooking (Culinary Cup) iba't ibang bansa ang sumali. Sad to say di na kami nag-antay ng result dahil naging busy kami kakaikot at kakafree taste. Chocolates and ice cream ang pinagkaabalahan ko. 

The art of plating food. Dito lumabas ang pagiging creative ng mga contestant.


Sulit ang registration fee ko. Isa na naman itong experienced na hindi ko makakalimutan. I saw famous personalities too. Nakakatuwa dahil nagkasama sama ang iba't ibang klase ng tao sa isang event. May mga politicians, generals, artista, singers akong nakita. Andun din ang mga famous chefs galing pa sa iba't ibang panig ng mundo.  
Read More »

 Dati pangarap ko lang na makakuha ng diploma sa nursing masaya na ako. Hindi ko hinangad na makuha ang pinakamataas na award sa batch namin. Madaming matalino at madaming deserving din sa titulo na ito pero sabi nga ng aming school director, lahat pantay ang naging proseso, based sa ranking ang pagkakakuha  ko nito.

Almost 3 months na ang nagdaan hindi ko akalain na isang sorpresa ang darating. Isang regalo galing ng Taiwan ang aking natanggap, regalong sapat na para makapagpatayo ako ng sarili kong bahay. Paano ba ako hindi magiging masaya? Paano pa ba ako titingin sa pain and betrayal kung sa bawat kirot noon kasaganaan naman ngayon?

Sa aking pagninilay nilay, totoo pala talaga na sa bawat pagsusumikap mo at paggawa ng mabuti laging may kapalit. Anuman ang itinanim siya rin ang aanihin. Sino ang mag aakala na isang Taiwanese pa ang magiging instrumento ng aking tagumpay sa buhay. Banyaga silang maituturing ngunit sa puso nila pamilya nila ako.

To Chen family, thank you so much for every thing. Thank you for being an instrument in my success. I would be forever grateful.
Read More »


Andito ako ngayon sa Computer Lab (St. Paul University Quezon City). Right now, we are doing our activity in creating document (Formal Letter and Resume) since tapos na ako naisipan kong maglagay ng entry ngayon araw sa blog ko.

Bonding with them after work :)

Naging busy ako nitong nakaraang araw kaya wala akong time magsulat. Umattend ako ng World Food Expo, nagdinner kami ni Pete sa Xocolat at pumunta ako ng Bacood.  Ang dami na namang nangyari na magandang bagay sa nakaraang mga araw. I had a bonding moment with Kleng's son EJ and his family. Roy invited me for dinner. Since, I am doing my part time job while studying I can't be with them during the family meet up at Dampa but I am glad that in spite of the real score between me and Kleng they still treat me so well. Pwede naman pala maset aside ang mga differences to keep his family. I can't complain and would never get tired thanking them for their generosity and kindness. Mararamdaman ko ang totoo nilang yakap at concern sa akin.

Masaya din ako dahil natapos na ang family house sa Bicol. Finally, first floor was done. I am thinking of building my own house too with the gift from Yeye. Unti unti na niyang tinutupad iyong naipangako niya sa akin na special gift kapag nagtapos ako with Academic Award. Di rin ako makapaniwala sa ibibigay niya sa akin. I am grateful for Yeye and his family in Canada.

I have the best life! I am enjoying it to the fullest.  Ngayon ko lang naenjoy na walang stress ang buhay.

PEBA fever is ON. Magiging super busy din ako sa mga susunod na Linggo dahil sa nalalapit na PEBA awarding. I hope maging successful ang event na gagawin sa December.
Read More »

Naumpisahan ang araw na ito sa hindi kanais nais na tanawin. hahaha. Ang sama pa ng pakiramdam ko, magkakaron yata ako ng flu. Over fatigue and pagod sa buong week na ito. Hindi na nga ako nakapagvolunteer sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ngayong araw, bawi nalang ako sa next week, 2 days ako dun. 
 
Every day I am looking forward na pumasok sa school. Natithrilled at challenged ako lalo na ngayong kasama pa namin sa isang subject ang Food and Beverages Services (FBS) students. Ang gulo nila pero masarap kasama although hindi naman ako sobrang IN sa kanila (dahil sa age gap) pero natutuwa akong pagmasdan ang pagiging teenager nila.

 A Way To My God
Ito ang book na unang binigay sa amin during catechism. I just loving it to be part of St. Paul University. They are devoted to their mission, to remain Christ Centered school in spite of the challenges.  
 
 Computer Lab with my classmate during the 15 mins break. We are 36 students in one computer lab. Our professor is Iranian. She's good and well prepared of her lessons.
 
 with Mara, Jackie and Jen (my FBS classmates) My first bonding with them.
 
 
Pagod man ako, napangiti pa rin ako pagdating sa bahay. Got something from someone. Thank you for always making me special.
 
 Surprised (Samsung Core i5)
Thank you, you made my day :)
 
Mother and Daughter
Mapapalitan na ang net book ko. 
Read More »
Eksena Sa Kalsada


Tuwing umaga I do 30 minutes brisk walking dito lang sa area ng tinitirahan ko (kapag sinipag minsan inaabot ako ng one hour pero bihira mangyari iyon). Madalas naeenjoy ko naman dahil wala pang masyadong tao, tahimik tapos nagmamafeeling ako na kunyari nasa probinsya ako, sariwang hangin ang nalalanghap.

Kadalasan iyong mga nakikita ko sa oras ng pageehersisyo sila at sila pa din. Kanina habang paliko ako sa Dama de Noche na kalsada may nakita akong isang lalaki, I just ignored him totally keber ko ba kung ano ang ginagawa niya. Sa pangalawang ikot ko, I was shocked na he was masturbating. Ewww! Ewwwness to the highest level. Iyong kasunod ko na babae, napamura at sinigawan siya. Ako naman diretso lang sa paglakad, kunyari wala akong nakita at narinig.

Naging usap usapan kanina iyong lalaki, may nagtanong sa akin kung iyon ang way ko every day, sabi ko naman 2 months na akong napapadaan sa corner na iyon pero wala naman akong nakikitang nakatambay dun. To my surprised, 2 weeks ago pala may hinatak dun na nursing student at muntik ng mapagsamantalahan buti na lang may napadaan na Barangay Tanod.

Naisip ko tuloy, ano bang meron ngayon? Mapatv, radio o dyaryo laman ng balita ang karahasan, rape, tumataas na kriminalidad sa lipunan. Nakakatakot na, minsan hindi mo na rin alam saan ang safe na lugar.

 
Read More »
Latak

 
Sadya nga sigurong matalinghaga ang buhay, may mga pagkakataon na kahit anong gusto natin na makasama ang isang tao sadyang hindi pwede. May mga kaibigan tayo na pagdating ng araw kaaway na mortal pala at vice versa. Minsan, iyong mga taong sobra nating minahal at pinagkatiwalaan sila din ang sisira ng ating samahan.

 
May uod,
may linta,
May gahaman,
May mapang-api,
May plastik.
 
May magaling makipaglaro,
May nagdudunong-dunungan.
May manggagamit,
May salawahan.
 
Ngunit anu't anu pa man,
May mga taong mapagmahal,
palakaibigan,
masasandalan,
Magiging karamay hanggat sa huling hantungan.
 
Ang emo ko ngayong araw, siguro dala ng malakas na buhos ng ulan.
 

Read More »

OLTCC 

The Registration

Administrator Hans Leo J. Cacdac

with the participating panel from the different sector of the society (DOH, TESDA, DFA, Management and Agencies, Labor Groups and NGO)

Asec. Atty. Nicolas Lutero III (DOH), Special Assistan Mr. Renato O. Villa (DFA), Assistant Director Mr. Elpidio Mamaril (TESDA), Administrator Hans Leo J. Cacdac (POEA), and OIC Deputy Administrator Jesus Gabriel Domingo

attentively listening to the updates on Egypt, Taiwan and Saudi Arabia

with the head of Philippine Migrants Rights Watch

Mr. Jun Aguilar talking to Ms. Susan Toots Ople

I attended the 2nd meeting of Overseas Landbased Tripartite Conculative Council (OLTCC) in Philippine Overseas Employment Agency (Ortigas). The meeting started at 1:00pm with the participation of different sectors in the society. The government sector composed of DFA, DOH, TESDA, DOLE, POEA, and OWWA. Management and Agencies ASCOP, CLADS, OPAP, PAMANA, PASEI, PILMAT. Labor Groups/NGO like PEBA, OFW Family Club, COW, KALAHI, KAIBIGAN and KANLUNGAN.

Administrator Hans Leo J. Cacdac called the meeting to order at 1:45pm. He suggested to proceeds on the Agenda Proper, updates on Egypt, Taiwan and Saudi Arabia was delivered by Mr. Renato O. Villa.

Egypt Updates:
*6,000 total of OFW's  
*2,500 OFW's are willing to go home in case the scenario worsen.
*79% of the OFW polulation stays in Cairo and Alexandria
*Most of the Filipinos are students/scholars
*Alert Level 11 (the embassy is closely monitoring the situation)

Taiwan:
*87,000 total OFW's
*78% blue collar jobs
*268 ofw's who were repatriated received assistance from the government
*Ban for OFW's to work in Taiwan - Philippine and Taiwan government are trying to resolve the issues. Since the investigation is still underway they can't comment on the issues.
*The MECO assured the public that Filipinos are safe

Saudi Arabia
* 1,058 were done processing their documents
*80% travel documents and passport complete
*11,000 hope to go home
*3500 wants to go home (very eager)
*everyday around 50 to 80 Filipinos only are being processed because there are many workers also that came from different country like Bangladesh, Nepal and others.
*The government officials remind the OFW to remain calm and vigilant during this ordeal.

During the meeting, heated debate arises when the medical fee issues was tackled by the DOH. Mr. Jun Aquilar raises questions about the slow improvement and response on their calls especially their fight to abolish medical fees that add to the burden of OFW.

I just hope soon they could come up with the solution to the problem. In my opinion, it's been a long battle of OFW being eaten by the so called system. I myself don't like the idea of being taken to the clinic to do my medical exams. Ang haba ng pila, siksikan. It is degrading and violated my right to privacy.


Read More »

Ads2