Friday, August 2, 2013

Eksena Sa Kalsada


Tuwing umaga I do 30 minutes brisk walking dito lang sa area ng tinitirahan ko (kapag sinipag minsan inaabot ako ng one hour pero bihira mangyari iyon). Madalas naeenjoy ko naman dahil wala pang masyadong tao, tahimik tapos nagmamafeeling ako na kunyari nasa probinsya ako, sariwang hangin ang nalalanghap.

Kadalasan iyong mga nakikita ko sa oras ng pageehersisyo sila at sila pa din. Kanina habang paliko ako sa Dama de Noche na kalsada may nakita akong isang lalaki, I just ignored him totally keber ko ba kung ano ang ginagawa niya. Sa pangalawang ikot ko, I was shocked na he was masturbating. Ewww! Ewwwness to the highest level. Iyong kasunod ko na babae, napamura at sinigawan siya. Ako naman diretso lang sa paglakad, kunyari wala akong nakita at narinig.

Naging usap usapan kanina iyong lalaki, may nagtanong sa akin kung iyon ang way ko every day, sabi ko naman 2 months na akong napapadaan sa corner na iyon pero wala naman akong nakikitang nakatambay dun. To my surprised, 2 weeks ago pala may hinatak dun na nursing student at muntik ng mapagsamantalahan buti na lang may napadaan na Barangay Tanod.

Naisip ko tuloy, ano bang meron ngayon? Mapatv, radio o dyaryo laman ng balita ang karahasan, rape, tumataas na kriminalidad sa lipunan. Nakakatakot na, minsan hindi mo na rin alam saan ang safe na lugar.

 

4 comments:

Eagleman said...

ewww si manong! hahahaha! ingat ingat nalang at hindi na talaga safe ang panahon ngayon.

Senyor Iskwater said...

Alam mo ba kung saan ang safe na lugar? Dito sa puso ko...

Ang bastush naman ng exhibitionist na un! Argh!

Bhing said...

@Eagleman, so kadiri tlga. hahaha!


Bhing said...

@senyor iskwater, ang cheesy oh. yaan mo kpg may pagkakataon dadalaw ako jn sa puso mo. hahaha! Peace!