Balintataw


Nagbalik tanaw ang Gumamela...

Nakatanaw sa malayo, nasa tuktok ng isang gusali. Ang simoy ng hangin, ang tahimik na lugar ay nagdala sa nakaraan. Kadalasan, nababasa ko 'iwasan mo daw lumingon kung ang sugat ay sariwa pa kung wala pang closure at kung sa paglingon mo ay pait lang ang iyong nakikita.

Matagal kung iniwasan ang katotohanan dahil takot akong harapin ang magiging resulta nito ngunit sa pagtakbo ko papalayo sadyang ang sitwasyon mismo ang magdadala saiyo pabalik. Sa loob ng isang Linggo, ang daming nangyari subalit wala palang kasing saya kung ikaw mismo ang matapang na haharap sa sitwasyon, hindi iyong dinikta lang saiyo ng pagkakataon. 

Naisip ko, sana noon pa ako nagkalakas ng loob na bigyan ng tuldok ang obra. Sana noon ko pa pinutol ang taling sa paglipas ng panahon nagkasanga na pero ayaw ko ng mabuhay sa mga SANA ang importante natapos na.



Panibagong buhay na naman.

Panibagong pangarap.

Dadalhin ko ang magandang alaala.

Babaunin ko ang saya.

Sa pagkita natin ulit, yayakapin kita ng mahigpit.

Ipapadama ko saiyo kung gaano ako kasaya na binago mo ang landas ng aking buhay.

Alam ko, malapit na iyon....

At kapag niyakap kita ulit walang galit na mamumutawi sa aking labi kundi pasasalamat.



Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

4 Share your thoughts

empoy, kng maka naks k nmn jn.

kailan tau magkikita?

thanks a lot!

ganu'n daw talaga, eh.. hehehe.. mainam 'yan..

@JH Alma,yup ganun dw tlga we need to move on with a good heart.