Thursday, January 19, 2012

Agoo, La Union

Where: Agoo, La Union
When: December 26-30, 2011


Kuya Jess, he is always there to depend me when all i want is fairness.
"My Babies"


Agoo Town Square
Villa Remy
''Innocent Smile of an Angels"
Dancing in the Pool
Baby Bareg. Sobra kung namimiss ang batang ito.
Ednalyn, Krissa, and my inaanak.
Nanang, masaya akong nakita ko muli siya at muli kong naramdaman ang yapos niya. Sana pagbalik ko maayos pa rin ang kanyang pangangatawan.
Nagulat at natouch ako sa mga letters and cards na ginawa nila. Pati mga ipon nilang sulat kc hindi nila naipadala noong nasa Taiwan pa ako. I love them!

Muli kong binalikan ang naging tahanan ko sa loob ng isang taon. Lugar na naging bahagi ng aking kasiyahan at paghihirap, ng saya at muntik magpabagsak sa akin na kirot. Pinili kong surpresa ang pagdating, walang pasabi basta bigla na lang akong hinatak ng aking mga paa pabalik sa Agoo.

Sinariwa ko ang alaala ng kahapon, binalikan ang mga lugar na dati kung napuntahan. Dinalaw ang mga taong naging totoo sa akin. Kinapa ko aking puso kung may galit at hinanakit pa ba ako at naapuhap ko na MALAYA na ako sa anumang anino na nagkulong sa akin. Malaya na rin ako sa relasyon na hindi tanggap ng kumunidad.

Ang saya ng pakiramdaman na binalikan ko ang aking kinakatakutan. Dito ko napagtanto "PANAHON ANG KUSANG MAGPAPAHILOM NG LAHAT NG HINANAKIT". Sa aking paglaya, nalaman ko ang halaga ng mga bagay bagay, kung anu ang tunay na importante sa pakikipagkapwa at tunay na kahulugan ng salitang ''MASAYA".

Nagpapasalamat akong naging sandigan ko ang aking karelasyon ngayon. Dahil sa kanya naharap ko lahat at nadapa kung anu ang mahalaga sa aking pagkatao.

Salamat sa Diyos hawak ko na ang aking pagkatao. BUO, at may paninindigan!

Tuesday, January 17, 2012

Flowers (Night Shot)









Hudyat

Isang tanikala ang nakaabang sa dinadaanan. Naguguluhan ang isip alin ba ang dapat sunggaban. May tinig na nagsasabi kusang iwasan, mayroon naman tuksong kumakaway.

Tumalikod na minsan ngunit sariwa pa rin ang nakaraan. Balintataw nito muling umiiwan ng marka sa katauhan. Ipipikit ba ang mata at tuluyang tatalikuran?

Sa ibang ibayo andoon ang mga mahal sa buhay. Makikita sa mga mata puro agam-agam. Takot naghahari dahil baka muling madapa at amkalimot sa tamang daan.

Mapanglaw din ang langit.Tila ba nakikiramay sa daloy ng diwang nananaghoy. Isang hudyat ang magpapatahimik ng lahat, hudyat na magbibigay wakas.

Thursday, January 12, 2012

Rubbing Elbows with Christian Bautista



Date: January 9, 2012
Where: SASN Makati Campus
What: Christian Bautista Visits












Saturday, January 7, 2012

January 7, 2012

Ang daming first time experience sa araw na ito.

First day of OJT @Sabili General Hospital Bicutan.

First time to handle a TB patient.

First time to ride in a train.(kaloka parang umuuga lang ang sinasakyan namin)

First time na pumunta ng school @ 4:15am.

First time to slept in my classmate condo.(Luckily, pinayagan ako ni Bf)

First time makapanood ng video scandal. (di sinasadya nabuksan ang link sa fb ng Ramgen scandal) I felt bad that some people find happiness in ruining others reputation.

First time to play PSP :))


Wednesday, January 4, 2012

Muling Pakikibaka ng Gumamela

Paano ko uumpisahan ang paglalahad? Muli ko bang isasadula ang istorya ng aking pakikibaka bilang estudyante at ordinaryong Pilipino?

Ilang buwan akong nawala sa mundo ng mga bloggero? Umabot yata ng 3 buwan, hindi ko ginusto na maglaho pansamantala ngunit dahil biglang nagkaroon ng malfunction ang aking site at wala akong alam para maisaayos ito kaya hinayaan ko na lang.

Muli kong bubuksan ang Gumamela Sa Paraiso para sa personal kong pakikipagsapalaran sa gulong ng buhay.