Hudyat

Isang tanikala ang nakaabang sa dinadaanan. Naguguluhan ang isip alin ba ang dapat sunggaban. May tinig na nagsasabi kusang iwasan, mayroon naman tuksong kumakaway.

Tumalikod na minsan ngunit sariwa pa rin ang nakaraan. Balintataw nito muling umiiwan ng marka sa katauhan. Ipipikit ba ang mata at tuluyang tatalikuran?

Sa ibang ibayo andoon ang mga mahal sa buhay. Makikita sa mga mata puro agam-agam. Takot naghahari dahil baka muling madapa at amkalimot sa tamang daan.

Mapanglaw din ang langit.Tila ba nakikiramay sa daloy ng diwang nananaghoy. Isang hudyat ang magpapatahimik ng lahat, hudyat na magbibigay wakas.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.