Thursday, January 19, 2012

Agoo, La Union

Where: Agoo, La Union
When: December 26-30, 2011


Kuya Jess, he is always there to depend me when all i want is fairness.
"My Babies"


Agoo Town Square
Villa Remy
''Innocent Smile of an Angels"
Dancing in the Pool
Baby Bareg. Sobra kung namimiss ang batang ito.
Ednalyn, Krissa, and my inaanak.
Nanang, masaya akong nakita ko muli siya at muli kong naramdaman ang yapos niya. Sana pagbalik ko maayos pa rin ang kanyang pangangatawan.
Nagulat at natouch ako sa mga letters and cards na ginawa nila. Pati mga ipon nilang sulat kc hindi nila naipadala noong nasa Taiwan pa ako. I love them!

Muli kong binalikan ang naging tahanan ko sa loob ng isang taon. Lugar na naging bahagi ng aking kasiyahan at paghihirap, ng saya at muntik magpabagsak sa akin na kirot. Pinili kong surpresa ang pagdating, walang pasabi basta bigla na lang akong hinatak ng aking mga paa pabalik sa Agoo.

Sinariwa ko ang alaala ng kahapon, binalikan ang mga lugar na dati kung napuntahan. Dinalaw ang mga taong naging totoo sa akin. Kinapa ko aking puso kung may galit at hinanakit pa ba ako at naapuhap ko na MALAYA na ako sa anumang anino na nagkulong sa akin. Malaya na rin ako sa relasyon na hindi tanggap ng kumunidad.

Ang saya ng pakiramdaman na binalikan ko ang aking kinakatakutan. Dito ko napagtanto "PANAHON ANG KUSANG MAGPAPAHILOM NG LAHAT NG HINANAKIT". Sa aking paglaya, nalaman ko ang halaga ng mga bagay bagay, kung anu ang tunay na importante sa pakikipagkapwa at tunay na kahulugan ng salitang ''MASAYA".

Nagpapasalamat akong naging sandigan ko ang aking karelasyon ngayon. Dahil sa kanya naharap ko lahat at nadapa kung anu ang mahalaga sa aking pagkatao.

Salamat sa Diyos hawak ko na ang aking pagkatao. BUO, at may paninindigan!

No comments: