Saturday, June 11, 2011

Gym



Mula pagkabata talagang tabain na ako. Hindi ako picky sa pagkain kahit ano kaya kung kainin wag lang spicy. Mahilig ako sa chocolates at fatty foods, ang resulta naglalakihang bilbil. Ilang weeks pa lang ako dito sa Pilipinas ngunit feeling ko tumaas na ang aking timbang at di nga ako nagkamali umalis ako sa Taiwan na 53kls ngayon 57kls na ako. Ang goal ko mamaintain ang 50kls kasi iyong ang normal weight ko based on BMI.

Walang nag-udyok sa akin na pumunta ng gym although nasa mind ko na talaga ang magdiet sa kadahilanang may pinaghahandaan akong event. ^___^. As a beginner sa tread mill at sit-ups lang ako at kung di ako tamarin tska ako pwede sa ibang routine.

Pinakapurpose bakit gusto ko pumayat dahil nahihirapan ako huminga lagi. Konting galaw lang hinihingal na ako. Sympre gusto ko pag-uwi ng aking hubby nasa "desirable stage" ako. lol!

Thursday, June 9, 2011

Random

Mula ng dumating ako sa Pilipinas wala pa yata akong masasabing oras para sa sarili ko. Paglapag ng eroplano noong May 25, 2011, at last sabi ko sa sarili ko makakatulog ako ng mahimbing at makakapagpahinga ngunit hindi ko pa talaga nagagawa sa dami ng mga dapat asikasuhin. Inuna ko ang pag-enroll ko at namili ng mga gamit na kakailangin ko. Sinamahan ang aking kapatid sa pag-aayos ng kanyang papeles papunta ng Taiwan (June 2, 2011 siya nakaalis)

Nakipagkita ako sa aking mga high school classmates, nagbonding kami sa Gateway lang sa kadahilanang iba-iba na rin ang mga priorities namin. Gustuhin ko mang makasama sila, hindi na maari dahil sa conflict of schedules at ang iba naman mas gustong igugul ang kanilang free time sa pamilya.

Namet ko rin si Ms. Yanah Bautista, Mr. Pete Rahon, Mr. Francis Morilao at Empi. Sayang nga lang bitin ang aming EB.

Umuwi ako ng Bicol Sunday at bumalik sa Manila Wednesday. Sobrang bitin ang aking bakasyon kaya sinulit ko ang aking oras para sa aking pamilya. Wala akong masyadong nakita at nakabonding na friends. Hindi ko rin napuntahan ang aking mga inaanak. Maaga akong bumalik dahil sa naiwanan kung pangako para sa PEBA opening sa DZXL Bantay-OFW.

Isang napakasayang pagwelcome ang pinaramdam sa akin ng pamilya ni BF. (gagawan ko na lang ng new entry dito sa blog ko kung gaano mas nahulog ang loob ko sa kanila)