What: Last Sunday in Taiwan

When: May 22, 2011

Where: National Palace Museum, Bicol Association Election, Disco House
For the first time nakakita ako ng isang blogger sa ka tauhan ni Mr. Rex Bathan. Ang saya niyang kasama at very approachable. Nag-ikot kami sa Taiwan National Palace Museum, kahit ang init ni Haring Araw ngunit sobrang nag-enjoy kami.

Habang nag-antay ako sa kanila, nakinig muna ako ng Misa. After the mass nagkataon namang andun si Ate Liza at Ate Salve. Niyaya ko silang magbreakfast sa Burger King. Nagkakwentuhan at may siningit na topic about you-know-who pero i politely said that I'm not interested in rumors about her. They're happy for me because finally they saw in my eyes how inspired I am and looking back daw I have glow in my eyes unlike before that i was like a dead-man walking.


Nag-attend din kami ng Bicol Association In Taiwan (BAIT) election, may kainan pagkatapos dahil birthday ni Ate Noemi.




After the election dumating na rin si Vicky one of my trusted friend way back then, noon baguhan pa lang ako dito sa Taipei. Naging kasama ko siya dati sa Taipei University Hospital. Kahit pa nawalan kami ng communication nanatili ang pagiging magkaibigan namin. Iyong respeto at paniniwala sa isa't-isa ay damang dama namin.Pumunta kami sa Disco Houses. 3 ang nainvade namin. Super enjoy talaga. Nanood din kami ng dance showdown. Ganun pala ang mga sayaw nila. hahaha!

Bago umuwi si Rex nagbigay siya sa akin ng gift. Isang novel The Book Of Tomorrow by Cecilia Ahern. Sobra akong natuwa sa effort niya pagpunta ng Taipei galing ng Hsinchu tapos may bonus pang remembrance na novel. Sana ito na ang tuloy-tuloy na aming pagkakaibigan. Thank you so much Rex.
Read More »



Talamak man ang dusa at siphayo ngunit lubos kung naunawaan ang salitang nanggagaling sa Kanya. Bawat desisyon at daan na aking nilalakaran ay may hangganan. Sa dulo nito may panibagong sanga na pwede kung yakapin at mag-umpisa muli.


Ito ang muling binigay sa akin ng nasa Itaas. Panibagong buhay at pagkakataon. Isinara ko na ang pinto ng pag-aaral subalit muli ko itong bubuksan pag-uwi. Ang dami kong nasayang na pera para bahay ngunit ngayon inaangkin na ng anino na kanya ang lahat. Siya at siya na ang nagpagawa, pera niya lahat. Ngunit sa akin puso alam ko ang totoo. Pagpapatawad ang aking igaganti sa lahat ng sakit at paninira. Bakit ako magagalit? Bakit ako mag-aaksaya ng oras kung ang kapalit ng bawat sentimong aking binitawan noon ay doble pa sa regalong binigay ni Yiyeh. Ito ang katotohanan na kailan man hindi sa akin makukuha ng kahit sinong nagnanais na sirain ako "Mahal ako ng Diyos at itinataas ko ang bawat himaymay ng sakit na dinanas ko.


Ang gaan ng pakiramdam, ang saya. Kuntento ako sa buhay na meron ako ngayon. Paggising ko sa umaga, ipinagkakatiwala ko sa Kanya ang aking buhay. Isinasaboy Niya ang Kanyang pagmamahal, hindi lang sa akin pati na rin sa aking pamilya. Dati pakiramdam ko ang bigat bigat ng buhay, ang hirap kitain ng pera, laging kinakapos subalit ng pinapasok ko muli si Kristo biglang naging maaliwalas lahat. Si Mama, malakas na lagi ang pangangatawan, si Nene sa June 2 papunta na ng Taiwan, si Kuya bumalik na sa dati ang kanyang pag-iisip (dahil sa aksidente nagkaron siya ng mild amnesia) mga pamangkin ko nag-aaral at ang iba may stable job na. Maligaya ako sa aking lovelife, buong ganap akong tanggap ng pamilya. Ang dami-dami kung dapat ipagpasalamat sa Kanya.


Ang landas na aking tinatahak ngayon ay puno ng pag-asa at mabuting intention para sa lahat. Kung dati ang bilis kong magflare up ngayon nadadaan ko lahat sa mahinahon na pakikipag usap at kapag ramdam ko na binabalot ako ng galit, kinakausap ko ang nasa Itaas. Para sa iba ang weird ko daw, parang ibang tao na ako ngunit ko pa rin ito. Ang pagkakaiba nga lang ngayon nabubuhay akong kasama na si HesuKristo. Siya pala ang matibay na sandata sa lahat ng pighati at kabiguan. Wala sa materyal na bagay, wala sa dami ng kaibigan at wala sa perception nga ibang tao. Nasa puso, kabutihang loob at pagpapakumbaba.


Ito na ang buhay na gusto ko. Muli kong natagpuan ang sayang dating pinapangarap ko lamang. Sa pag-uwi ko sa Pilipinas aking bubuhayin muli ang voluntarism sa aking sistema. Dati ko ng ginawa iyon noon, ngunit dahil niyakap ko ang makamundong pamamaraan ang diwa ng aking pagkatao ay hindi ko rin nasumpungan. Habang nag-aaral ako sa unibersidad, aking yayakapin ang pagbabagong ganap. Iyong dating ako, masaya, kuntento at puno ng pangarap. Humihingi din ako ng signs sa Itaas kung dapat akong maging full-time Niyang manggagawa.


Salamat Panginoon!

Papuri at parangal sa Iyong Dakilang Pangalan.
Read More »

Subway

With Irene, Melissa, and Ate Mary



Amor Restaurant
It's Ate Mary's Birthday, it's my birthday treat for her with Ate Helen and Kuya Ador

Starbucks Coffee Shop
with ate Melba and Ate Mary my farewell treat to Ate Melba. She's now in Philippines but hopefully she would be able to come back before i leave.


Shanghai Delight

with Ate Liza


Mister Donut


One thing na dapat alam ng isa kong kaibigan ay ang weaknesses ko sa pagkain. Kasayahan ko nang manlibre at kung ako ay naiimbita na mapakain ng walang okasyon ay malaking kasiyahan iyon para sa akin. Comfort food ko ang pizza at fried chicken, mabubuhay ako kahit araw-araw ganyan ang kinakain ko. Hindi rin mawawala sa araw ko ang coffee.

Masarap sa pakiramdam na habang nag-uusap at binabalikan ang nakalipas sa piling ng mga totoong kaibigan na meron pagkain sa harapan. Kwentuhan, harutan, at kantiyawan. Dito sa Taiwan kapag nagyaya akong magkikita kami alam na nila saan ang punta-restaurant. (hahaha) nahuhulaan na nila kung saan at anong uri ng pagkain ang aming pagsasaluhan. Isa sa traits ko ay mahirap ako ma dettach sa mga bagay bagay kahit sa lugar. Tuwing may pagkakataon ang mga restaurant na makikita sa larawan ay karaniwang meeting place namin. Hindi ako matipid sa pagkain at hindi rin ako kuripot na kaibigan. Kapag meron ako hindi na kailangan magdalawang salita sa akin pero kapag sinabi ko na wala as in wala rin talaga.


Read More »


Shabu-shabu Restaurant



With Ate Imbay, Pei-Yi and Pei-San



Having a big feast




High Speed Train. It took me only 19 mins from Taipei to Taoyuan. If i ride on Metro Train it would be one hour.



Taoyuan Station, waiting for Ate Imbay's to fetch me.



Isa na namang napakasayang araw ang aking naranasan noong Linggo. Pumunta ako sa Taoyuan sa paanyaya ni Ate Imbay (bf sister) para sa Mother's Day. Nadama ko ang kanilang mainit na pagyakap at paganggap sa akin. Noon una kinakabahan ako, sa isip ko baka "kikilatisin" ako ni Ate. Natatakot ako ba hindi nila ako magustuhan. Sa lahat ng kapatid ni Kleng siya ang medyo mataray (sorry ate, baka mabasa mo po ito). Ang kanyang in-laws at asawa ay sobrang accomodating. I definitely felt my importance and presence on them.


Masaya akong nakipaglaro sa mga bata. Halos maghapon kami ni Ate nagkwentuhan, it was our bonding time. I'm really looking forward na makasama ko sila sa Pilipinas pagbakasyon nila sa July. Lahat ng kaba at pag-aalalangan ko na mapabilang sa kanilang pamilya ay tuluyan ng naglaho.



Read More »



Isa akong masunuring anak at mapagmahal na kapatid. Iyan ang kadalasan na naririnig ko sa mga tao, ang nakalakihan kong sinasabi sa akin ni Mama. Sa bawat magandang kataga na namumutawi sa kanilang bibig ay isang hamon sa akin na pag-ibayuhin ang aking buhay. Takot akong magkamali, takot akong madapa, at takot akong madisaapoint si Mama. Lumaki akong busog sa kalinga ng isang ina, maaga mang nawala si Papa subalit nagampanan ni Mama ang pagpapalaki sa amin ng maayos. Kadalasan sa aming magkakapatid ako ang buo ang loob kahit bata pa ako noon. Alam ko ang tatahakin ko, ako ang pinakamatapang sa amin at ako ang laging handang makipaglaban kapag involve ang pamilya.

Sa murang gulang ko ikinintal ni Mama ang salitang "pagmamahalan" at "pagkakaisa". Kaming magkakapatid ay very close. Si ate, si kuya, ako at si bunso ay larawan ng perpektong magkakapatid. Binigkis kami ng pagmamahal ni Mama. Salat man kami sa materyal na bagay ngunit sa pagmamahal sagana ang aming pamilya.

Nakatira kami sa probinsya, mabagal ang usad ng urbanisasyon. Simple lang ang nakagisnan naming buhay, malayo sa kaguluhan. Sa aming magkakapatid ako ang "kakaiba". Mataas ang pangarap at amazona.(hahaha) Kabaliktaran ako ni Mama. Si Mama laging mahinahon magsalita, kahit kailan hindi namin naringgan na magmura, lahat dinadaan niya sa pakonsenysa effect.

Ito ang kadalasan na pagkakamali ko kay Mama noon bata pa ako. Tuwing may pupuntahan ako ganito ang scenario.

Ako: Ma, pwede po ba akong sumama sa mga kaibigan ko, pupunta kami ng beach.
Mama: Saan? Kung malapit papayagan kita. Sinu ang mga kasama? May mga lalaki ba? May alak ba? ......(ang dami niyang tanong)
Ako: Sa kabilang barangay lang po.
Mama: Anong oras ang uwi mo? (dito si mama mahirap kausap)
Ako: 5pm po nasa bahay na ako (syempre, sasabihin ko maaga para payagan ako)
Mama: Sige, umuwi ng maaga. Mag-ingat!


Habang nasa beach na kami or sa kahit anong okasyon pa iyan kapag involve ang gatherings na sa paningin ni Mama wala kaming kasamang matatanda may biglang sumusulpot si Kuya. Di pa uso noon ang motorsiklo, mountain bike pa. Sa kalagitnaan ng pagtatawanan namin biglang may magsasabi sa akin, Bhing, nakita ko si Kuya mo. Sinusundo ka na yata. Sympre sa mga panahon na iyon hindi ko maintindihan si Mama. Minsan ako ang sentro ng kantiyawan ng barkada.
Ako: Mama, aatend po ako ng birthday sa Sabado.
Mama: (dating mga tanong)
Ako: sige, wag na lang po pero masama ang loob ko.
Mama: (aabot ng pera) Umuwi ng maaga.

Ito ang very epic sa mga pakonsensya effect ni Mama. Sabi ko uuwi ako ng 6, pero nakauwi ako ng 8pm na. Pagdating ko magmamano. Si mama walang imik, pupunta ng kusina, paghahandaan ka ng pagkain o kaya nasa lamesa pa iyong tira para saiyo. Wala kang maririnig na pagagalitan ka, wala ka rin maririnig na magtataas ng boses pero habang kumakain ka. Sasabihin niya. Kumain ka, alam ko napagod ka, nag-alala ako saiyo, akala ko kung napano ka na, tinanong ko na ang mga kapitbahay kung nakita ka...... mahabang litanya ang kasunod. In fairness, effective ang pamamaraan na iyon sa amin dahil nagi kaming aware sa binibitiwan namin pangako.

Ganyan si Mama, magpahanggang ngayon ganyan pa rin ang approach niya sa amin at sa aking mga pamangkin. Hindi siya iyong typical na Nanay na dadaan ka sa katakot-takot na rules. May kalayaan kami sa mga gusto namin, nirerespeto niya ang bawat kahinaan at hindi niya kami sinaklawan ayon sa mga ninanais niya.

Minsan, tinatanong ko ang aking mga kapatid. Sumaya ba talaga siya? Alam ba ni Mama na may ibang buhay aside from sa nakagisnan niya? Kasunduan lang kung bakit nag-asawa si Mama at Papa. 15 yrs old si Mama from Masbate, si Papa ay dayo sa lugar, galing siya ng Sorsogon. Pumunta si Papa sa Masbate sa alok na trabaho ng Tito niya, na close kay Lolo. Sa madaling salita, ikinasal sila walang ligawan na nangyari. Natatandaan ko tuwing kinukwento ni Mama, sabi niya naglalaro pa sia noon, hindi niya alam bakit ang daming tao sa bahay nila iyon pala namamanhikan na si Papa. After sila kinasal, dinala ni Papa si Mama sa Catanduanes dahil doon na naman siya maassign. Nagdedevop ng mga palaisdaan sila Papa, sponsored by Korean National. Imagine, hindi si mama dumaan sa pagdadalaga, hindi niya naranansan maging ganap na dalaga. Sinuong niya agad ang maging asawa at ina.

Noon umuwi ako, tinanong ko si Mama masaya ka po ba? Ano po ang makakapagpasaya saiyo? Hindi daw siya ganap na masaya kasi hindi niya naibigay sa amin ang buhay na pinapangarap niya para sa amin. Ang hindi ko makakalimutan ang higpit ng yakap niya sa akin, sabay tanong kung nagkulang ba siya sa pagpapalaki sa akin. Hindi makakaila minsan kung tinahak ang landas na hindi dapat ngunit sa panahon na iyon sinunod ang nararamdam ko kahit na alam kung mali. Takot akong magkamali pero noon naligaw naman ako big time :( Para sa aming magkakapatid mapalad kami at binigyan kami ng Diyos na magkaroon ng Ina na kagaya. Hindi man siya nakatuntong na high school, salat man siya sa pinag-aralan ngunit busilak ang kanyang kalooban. Utang namin lahat-lahat kay Mama.

Salamat Mama dahil hindi mo ako pinabayaan. Ikaw ang sandigan ko, ikaw ang kakampi ko sa oras na pakiramdam ko buong mundo kalaban ako. Ikaw ang nagpapangiti sa akin, nagbibigay inspirasyon kapag ang tingin ko sa lahat wala ng halaga. Excited na akong umuwi para maalagaan ka. Ako na ang magsisilbi saiyo, mag-aaruga at kakalinga. Ipagluluto kita, paghahanda ng pagkain. Higit sa lahat hindi na ako naghahabol ng oras. Makakasama na kita ng matagal. Mahal na mahal ka namin.
Read More »

One of my memorable moment. Dumating sa Taiwan ang cousins, brother and sister ni Yiyeh form China para personal akong makita bago umuwi ng Pilipinas. Napakasarap sa pakiramdam na madama ang tunay na kahalagahan ko sa kanilang pamilya.
Kumain kami sa isang Thai Restaurant. (ako ang namili ng lugar). Mula sa umpisa puro ako ang topic nila, magaganda at papuri sa pag-alaga ko kay Yiyeh. Buong ganap kong naramdaman ang kanilang pasasalamat. They wish me all the luck and they're looking forward to see me again in Taiwan. Kung di na daw ako makakabalik ng Taiwan, we can meet half way. Pwede nila akong dalawin sa Pilipinas or ako ang pumunta sa kanila. Napakaswerte ko, mula noon at magpa hanggang ngayon hindi sila nagbago ng pakikitungo sa akin bagkus mas lalo nilang pinakita at pinaramdam ang pagturing bilang kapamilya.

Kahit kailang, hindi ko makakalimutan na minsan naging parte sila ng aking pakikibaka, naging susi sila para maibigay ko ang magandang buhay sa aking pamilya at naging daan sila upang mas lalo kung pahalagahan ang aking pakikipagkapwa. Sa kanilang mainit ng mga yakap, buong galak kong nadama ang panghihinayang na hindi na ako makakabalik, sa pagpatak ng kanilang mga luha nakita ko ang kanilang sinseridad at pagpapahalaga sa akin.

Sila ay magiging inspirasyon ko sa muling pagtahak at pagyakap ng pagbabago. Uuwi akong handa at matibay ang pundasyon ng aking paniniwalang makakaya ko lahat. Sa pag-apak ko muli sa unibersidad at pakikipagsapalaran sa kursong gusto kung kunin, nakatatak sa isip ko ang kanilang pagnanais na matupad ko ang aking minimithi. Sa pagkakataon ito, muli kong buuuin ang mga pirapirasong pangarap at nawasak na kumpeyansa sa sarili. Babalikan ko ang mga ideolohiyang naisantabi at muli kong tatahakin ang landas ng pagiging isang volunteer. Ito ang makakapagbigay sa akin ng pagkakuntento at kaligayahan.




Bigay sa akin ng kapatid ni Yiyeh. Ako ang bida kahapon, ako ang center of attraction. Salamat sa kanilang valuable gift (bawal sabihin kasi ayaw nilang isulat ko sa blog). Most especially, salamat sa pagkupkop nila at pagbigay sa aking ng tahanan.
Read More »

Ads2