Thursday, March 17, 2011

Maligayang Kaarawan, Mama!


Noon ako' y kalong-kalong at hinahagkan,
Pinadadama pagmamahal na walang katapusan,
Kahit itong anak maligaw andyan ka mamsusumpungan,
Dahil sa pag-ibig mong tunay.

Kumislap ang iyong mata, tandang-tanda ko,
Pag akyat sa entablado, karangalang nagpasaya saiyo,
Mga medalyang isinabit ipinagmalaki sa lahat ng tao,
Yapos sa mga bisig sabi mo "ang galing ng anak ko.

Lumaki akong busog sa pagmamahal & iyong kalinga,
Pangangailangan iyong tinustusan at nagpakahirap ka,
Trabahong panlalaki, ginampanan, iyong kinaya,
Pagod na katawan 'di mo ininda.

Naging haligi at ilaw ka ng ating tahanan,
Mahinahong pakikipag usap sa pagdidisiplina naging batayan,
Hagupit ng pamalo, 'di ko saiyo naranasan,
Kundi init ng iyong yakap naging sandigan.

Sabi mo pakikipagkapwa-tao 'wag kakalimutan,
Matutong magpakumbaba at mgbigay galang,
Apihin man ng iba, wag magmataas, wag gagantihan,
Ipagdasal at ipasa Diyos na lamang.

Maraming beses akong naging sakit ng iyong ulo,
Damdamin sinugatan, damdamin saiyo binato,
Luha'y naging kasama mo sa paglaki ko,
Sapagkat mahal mong anak, minsan matigas ang ulo.

Pagsubok dumagan sa anak mo,
Sariling buhay binalak kong kitlin, ki Kamatayan nakipaglaro ako,
Sapagkat isang trahedya sa akin bumilanggo,
Ngunit pang unawa mo'y sadyang walang makakatalo.

Ako'y natutong sumuway sa mga kagustuhan mo,
Magsinungaling at barkada nakaulayaw ko,
Akala ko kasi matapang at matatag na ako,
Ngunit ako'y nabigo luhaang bumalik saiyo.

Salamat Inay at lagi kang nandyan,
Lakas at tapang mo sa akin binigay,
Init ng iyong yakap muli kong naramdaman,
Lagi kang nag aantay at nag aabang sa ating tahanan.

Inay, maligayang kaarawan,
Nawa'y pagpalain ka ng May Lalang,
Nais kong iparating ika'y minmahal,
Dakila ka at nag-iisang huwaran.

7 comments:

YanaH said...

happy birthday po sa iyong Mama!
im wishing her more years to come..
more blessings to receive..
and more love to share/spread..

haverdey po ulit!
Godbless!

Diamond R said...

HAPPY BIRTHDAY kay mamang mo.More blessings and good health.

Bino said...

happy birthday sa iyong mama! :D

Leah said...

Wishing your mama a happy happy birthday!! More cakes to slice,
more candles to blow,
more blessings to come.
God bless.. :)

empi said...

Happy Birthday kay Ina. :D

Ishmael Fischer Ahab said...

Mama! (Hehe...naki "mama" rin)

Happy birthday!

Huwag po ninyong kalimutan yung cake ah. Makikikain ako sa inyo, kahit isang slice lang.

Tapos yung beer at pulutan, huwag kaligtaan. :-D

rainbow box said...

happy birthday ng belated na pala Mama!!! >:D<

poweeeeeeeer hugs!! >:D<

God bless you always! =)