Ito ba ang sukdulan ng lahat? Ito ba ang katapat ng salitang pagmamahal? Ito rin ba ang sinasabing last chance? Ito ang alaalang magmamarka sa lahat. Gaya ng sinasabi ito ang larawan ng kasinungalingan, sana nga ito ay pawang di katotohanan.
Read More »


Almost everyday problems all you could see,
Enormous government woes, unprecedented challenges,
Tougher rules but inadequate foreign policies,
Plus the battle from own people & the government itself.

Uncertain inflation forecast and economic crisis,
Rocketing commodoties, frightening gas & oil prices,
Communist titans, capitalism & world bank debt,
Nation put in trouble, citizen panic & worried to death.

Anti government sentiments, civil right battles,
Ethnic differences, suicide bomber and middle East extremist,
Coup'd etat, war on terror, & weapon of mass destruction,
Rebels like NPA and Abu Sayaff trigger bloody revolt.

Earthquakes, floods, and other natural calamities,
Global warming, climate change is happening,
Natural resources into verge of extinction,
Illegal logging everywhere, citizen just don't care.

Sanctity of marriage is being challenge by the 3rd dimension,
Overpopulation implications of complicated desicions,
Artificial birth control is still a taboo in Church organization,
Unemployment & poverty pushes child labor.

Scandal, controversies & legal battles continues,
Health crisis, accidents, ang unbearable tragedies,
Biased justice system, innocents are the main victims,
Ordinary people become poorer but rich become richer.

Politicians bickers in changing the constitutions,
Oppositions dissatisfied results in street protest & power distruptions,
Peace & unity is out of reach because of corruptions,
Democracy is sinking, people are too weary, nation is suffering.
Read More »


Isa akong OFW dito sa bansang Taiwan. Manggagawang nangangarap na maibigay ang maalwan na buhay para sa pamilya. Ang iwanan ang buhay na aking nakagisnan ay isang napakalaking hamon na sa simula puro agam-agam, takot at pagkabalisa ang pumuno sa aking kamalayan. Mahirap isantabi ang prinsipyong sa simula ay akin ng ipinaglalaban ito ang pagsilbihan ang bansang sinilangan. Isa akong kabataan noon na kalye ang kinasama at welga ang laging sinisigaw upang kalampagin ang mga nakaupo sa pwesto. Kalsada ang pansamantala kong naging tirahan."Makibaka, huwag matakot, huwag paapi sa dayuhan at huwag maging dayuhan sa sariling bayan" Subalit sa aking pagbabalik tanaw ito ako nasa ibang bayan, nagsisilbi sa banyaga at aminin ko sa hindi may kirot sa aking puso na hindi ko nagawang pangatawan ang ideolohiyang aking ginawang sandata sa lahat ng unos sa aking dinaanan. Nasaan na ang aking pagiging makabayan?

"Strengthening the OFW Families: Stronger Homes for a Stronger Nation." Ito ang tema ng PEBA ngayong taon. Isang napapanahong usapin na magbibigay ng masusing pagsusuri sa kung ano ang importante sa atin bilang OFW, anong mga naiambag natin sa ating kumunidad at ano na ang antas ng ating pagkatao hindi lang sa materyal na bagay bagkus sa larangan ng pakikipagkapwa. Ito rin ang magiging salamin upang mapag-aralan nating ang diwa at totoong kahulugan ng pamilya. Kung paano nating pangangalagaan ang pundasyon upang maging lakas ng ating bansa.

Sa pagluwas ng bansa, baon ko ang maletang puno ng pag-asa. Pag-asang nabibigay ng lakas at inspirasyon upang suungin ang pagpapalaot sa walang katiyakan na pakikipagsapalaran. Isang maletang andun ang lahat ng personal kung gamit sa literal na salita ngunit higit doon ang nakapaloob sa kailaliman ng aking puso. Andoon ang tibay ng loob, determinasyon at pangakong uuwi akong may nangyaring maganda sa aking pamilya. Sa bawat araw na dumaraan, pagkahungkag sa bagal ng takbo ng orasan, pagkabagot sa routine ng trabaho at pangungulila sa pamilya ay isa lamang sa pinakamahirap labanan. Sa tulad kong walang day-off, telepono at sulat ang isang napakalaking linya para mabawasan ang aking pangungulila at maramdaman kong hindi ako nag-iisa.

Saan ba ang sukatan ng salitang pamilya? Paano ang kategorya para masabing pamilya dahil ba sa dugong nagdudugtong o sa pinagsamahang puno ng pagmamahal at pagpapahalaga bilang tao. Madaming nagsasabi alipin kami sa ibang bayan, utusan at katulong ngunit sa bawat pangit na pinagdaanan ng iba may nakaramdam ng totoong pagtrato bilang tunay na kapamilya. Isa ako sa napakaswerteng "katulong" na nakuha ang ni minsan hindi ko pinangarap na pagtrato ng pasyenteng aking inaalagaan. Naramdaman ko ang respeto bilang tao, respeto sa aking paniniwala, pagpapahalaga sa aking mga karapatan at pagturing na walang bahid na discriminasyon. Natagpuan ko ang salitang "equality" at "fairness". Ang hindi ko paglabas tuwing Linggo ay sarili kung desisyon dahil gusto kung mapunan ang kaibaitan nila sa akin.

Sabi ng iba paano ko mararamdaman ang tunay na salitang pamilya kung ako mismo ay walang asawa at anak? Paano nga ba? Wala ng hihigit pa sa responsibilidad ang magdala ng buong pamilya. Hindi lang anak at asawa ang bumuo ng sinasabi kong pamilya. Kasama sa laban ko bilang OFW ang mga kapatid, mga pamangkin, kamag-anak, kaibigan at magulang. Anu ang naiambag ko sa tema ng PEBA? Isa ako sa nagsikap upang lahat sila maigapang sa pag-aaral. Ang bunso kung kapatid nakapagtapos ng BSND, panganay na pamangkin BSOA, sumunod computer tech, at ngayon may pinapag aral ako sa kolehiyo information technology. May isa din akong high school na sinusuportahan (hindi ko kadugo) ngunit nakita ko ang pagpupursige niya na makapagtapos. Next year magkokoliheyo na rin. Naniniwala akong kahit nasa malayo ako, nagagampanan ko ang responsibilidad ko sa pagtatayod upang maging matatag ang aming pamilya. Hindi ko nakakalimutang tumawag at kumustahin ang kalagayan nila mula sa aking magulang, kapatid hanggang pamangkin. Isa ako sa nagbubuklod sa kanila. Ang pagigi kung OFW ang nagsisilbing tulay upang lahat sila ay magpunyagi sa hamon sa buhay.

Kapalit ng nagawa ko, andito pa rin sa aking puso ang mga panghihinayang. Tama, naibibigay ko sa kanila ang mga pangangailangan subalit maraming okasyon na wala ako sa piling nila. Mga oras na wala ako sa tabi nila lalo na sa panahong may nagkakasakit. Maraming hikbi ni Mama ang aking naririnig dahil sa mga importanteng salo-salong wala ang aking presensiya. Hindi ko rin kayang ibalik ang walong taon na hindi ko sila nakasama. Ito na siguro ang pinakamahirap na parte ng pagiging OFW, minsan pag-uwi hindi na ako kilala ng aking pamangkin. Kahit sabihin kong ako ang tita nila, sa musmos nilang isipan nagtatanong rin, bakit hindi nila ako nakikita. Hindi pa nila maiintindihan ang salitang kaya ako nasa ibang bansa para sa kanila dahil sa mura nilang pag-iisip ang pag-aaruga at pagkalinga ang dadalhin nila paglaki. Ito ang nararamdaman ko ngunit paano pa kaya ang mga nanay na nawala'y ng mas maaga sa kanilang anak? Paano pa ang mga tatay na malayo sa piling ni bunso at ang haligi sana ng tahanan humihikbi sa apat na sulok ng kwarto dahil nasa malayo.

Kaakibat ng pagiging OFW ang pagsasakripisyo at malaking responsibilidad na gawin sa abot ng makakaya na maging matatag ang pamilya kahit na milya ang pagitan. Hindi sapat ang salaping pinapadala para mapunan pangungulila ng bawat isa. Oras ang kailangan nila. Atensyon sa kanilang mga hinaing, tatay na makikinig, nanay na masasabihan ng lahat at kapatid na makikipagbiruan. Anu't anuman magiging matibay lamang ang pamilya ng isang OFW sa pakikiisa ng bawat miyembro. Lahat may ambag, lahat kailangan magsakripisyo. Magiging lakas ng bansa sa pamamagitan ng sama-samang pagpupunyagi at pagsasagawa ng magandang asal. Ang kagandahang asal na natutunan sa loob ng tahanan ang magiging susi para sa ikatatatag ng ating bansa. Ang pakikiisa sa magandang layunin ng pamahalaan at pagiging parte ng adhikain ng bayan.


Ito ang pamilya ko sa Pilipinas. (kuha ito sa unang balik ko sa Pilipinas) Iniingatan ko ito, nakalagay sa gilid ng aking kama. Sa panahong nangungulila ako, nawawalan ng pag-asa ang larawan na ito ang pabibigay sa akin ng inspirasyon para mas lalo kung pagbutihan ang aking trabaho, na mas lalo ko iparamdam sa pasyente ang pagmamahal at pagkalinga na hindi ko magawa sa sarili kong Inay.



Ito ang pamilya ko dito sa Taiwan. Sandalan ko sa oras na ako'y nalilito. Tagasalo ng problema sa pinansyal at karamay ko sa tuwing nanghihina ako. Mag-isa lang si Yiyi sa Taiwan. Ang mga anak nya ay naninirahan na sa ibang bansa. Once a year lang sila umuuwi.


Ganito niya ako kamahal, ganito niya rin ako pahalagahan. Walang araw na hindi niya ako napapatawa at hindi siya mahirap pakibagayan. Mahilig siya magbigay ng mga bagay, unexpected gifts and praises. (hindi ko na sasabihin kung ano iyon, sa kadahilanang ayaw niya na isulat ko kung anu ang naitulong nya sa akin)



Ito ang larawan na nagkukumbinsi sa akin kung gaano siya kasaya na ako ang nag-aalaga sa kanya. By the way, iyong asawa niya ang una kong pasyente. Limang taon kong inalagaan. Hindi ko alam hanggang kailan siya magtatagal sa kadahilanang may kanser siya ngunit araw araw pinaparamdam ko sa kanya na hindi siya nag-iisa. Mahirap mag-alaga ng cancer patient lalo na kapag panahon ng chemo therapy. Isang madugong gabi at dinudurog ang aking puso kapag nakikita ko siyang nahihirapan. Ako rin ang nagsuggest sa family niya na on hold muna ang pagchemo. Enjoy na lang ang natitirang panahon nya dito. Ngayon, lagi kaming nasa labas, gumagala, pumupunta sa gusto niyang lugar at kumakain ng paborito niya. Walang iniisip na sakit kundi ang masayang pagkakataon.

" Gemma, i will die happily because i live my life and shared the remaining years with you. You showered me loved and cared that my own family can't " (mananatili ito sa aking puso). Hindi ko na rin ipinagdarasal na habaan pa ang kanyang buhay, ang lagi ko lang hinihingi kunin siya sa tahimik na pamamaraan.

Read More »
Para Lang Sayo


Yapos ng init ng iyong pagmamahal,
Busilak ng kalooban nararamdaman,
Ang masukal na daan, tinabunan,
Pinunan ng pag-ibig na dalisay.

Minsan hindi maiwasan magtanong,
Karapatdapat pa bang sa pedesdal mailagay,
Ihilera sa gintong kumikislap sa kinang,
At maibalik ang ninakaw na dangal.

Para saiyo hindi kailangan ng materyal na bagay,
Upang pag-ibig ay mapagtibay,
Para saiyo tiwala at respeto ang gagabay,
Sa pagtahak ng kinabukasang matiwasay.

Sabi ni
Kuya George iwasan na ang maging emotera, at least hindi na grabe ngayon. Pag sobrang down na ako isa si Kuya sa taong laging andyan para magbigay ng "mahiwagang salita/paalala para gumaan ang loob ko"(salamat po) Ayaw ko na sana magsulat, mag post ng mga entries ko dito dahil nawalan ako ng gana pero habang ang isipan ko naglalakbay sa ibang mundo hindi ko pa rin makayanang balewalain ang tinig na nagsasabing magsulat ka lang. Sige, wag kang patatalo sa sinasabi ng iba sa kadahilanang blog ko ito, pahina ko. Anumang nangyayari sa aking pahina, karapatan kong isulat as long as alam ko ang limitasyon ko. Binalikan ko lahat ng naisulat ko sa mga nagdaang buwan at taon, nakita, nabasa ko wala pa naman akong siniraan, inalipusta na tao.

Saan pa ba ako huhugot ng inspirasyon para balikan ang naging parte na ng buhay ko kundi sa taong nagmamahal sa akin. Tama, sa taong kumakalinga at nagpapahalaga sa dignidad ko bilang tao hindi bilang nililigawan o karelasyon. Siya ang nagtutulak sa akin para itaas ang sarili sa kabila ng aking mga pagkukulang. At sa oras na wala na akong nakikitang matuwid, ginagabayan niya ako, inaakay na muli para maramdaman ang salitang "hindi ka nag-iisa, andito ako aalalay". Hindi madaling tumayo, baguhin ang lahat ng nakasanayan. Masakit makarinig ng mga pag-aalipustang halos hindi makain ni Bantay ngunit ito ay magsisilbing lakas ko para mas lalo paghusayan at pagtibayan na makatayong malakas at puno ng pagmamahal sa sarili.

Para saiyo, isa lamang akong aba,
Na naghahanap at namamalimos ng pang-unawa,
Ngunit natagpuan ko ang tunay na pagkalinga,
At pagmamahal na walang kapara.
Read More »
Hawla

Nakagapos
Sa dilim
Ng nakaraang
Nakakarimarim

Ito na ang liwanag
Naaaninag
Kumikislap
Nangungusap

Ngunit sadyang mahirap
Tumayo
Bumangon
Sa pagkakasadlap

Ang mapanuring mata
Nakamadyag
Nag-aabang
At anumang oras
Susunggab

Pipiliin ba ang saya
O magpapatianod sa sabi nila?
Aangkinin ba ang ligaya
O mananangis na mag-isa?

ito ang hawla
binuksan ng isang aba
pintuan ay di na nakasara
ngunit bakit paglaya ay wala pa?
Read More »
Tigmak

Umuulan
Pumapatak ang luha
Umaagos ang paghihinala
Sa nangyayaring sarili ang may sala.

Sa mga kamay
Ang susi ay hawak
Upang makalimot
Makawala
Makatakas
At makuha ang gantimpala

Ngunit ayaw pumiglas
Ng sandamakmak na emosyon
Gustong sumubok
Pag-igihan
Subalit isang kahibangan para sa iba

Ang daming maskara ang gustong palayain
Ngunit mas mabuting sarilinin
Ang tigmak na pag-asa
Sana muling kuminang pa
Ng makita ang pagkakaiba ng ginto at grasa.

Lakad, takbo, lakad,
Kumakaripas
humahagibis
Naghihinagpis.

Gising!
GIsing!

Ito sana'y isa lamang pangitain...

Read More »

Ads2