Sunday, June 27, 2010

Paano Ko Susukatin AngPamilya?





Paano ko ba susukatin sa sarili kong pananaw ang salitang pamilya? Dahil lang ba sa dugong nanalaytay at nag-uugnay sa amin o kasali ang mga taong gumabay/ humubog sa aking pagkatao?

Maaga akong naulila sa Ama. Isang tao ang itinuring kong Papa sa lahat ng aspeto. Lahat ng paggalang at salitang respeto sa kanya ko nakita. Kung paano nya pahalagahan ang mga taong nakapaligid sa kanya, katrabaho at sa oras ng pangangailangan handa siyang magbigay ng kusa at laging handang makinig. Siya si Tiyo, haligi ng tahanan at naging lakas na rin ng aking pamilya.

Magtataka siguro kayo, walang kahit na konting dugo ang nag uugnay sa amin para masabing magkamag-anak. Ang mga magulang ko ang isa lang sa kanilang pinagkakatiwalaan sa FISH POND.

Mas madalas kong sabihin, namuhay ako, nabuo ang pagkatao sa tulong nila. Kahit minsan hindi ko naramdaman ang salitang katulong, kasambahay at utusan sa knilang tahanan. Halos mula elementarya tuwing walang pasok nasa sa knila n ako hanggang hi skol, hanggang sa mla sa knila p rn ako tumira.

Ito ang pamilyang naging kabahagi ng kung ano ako ngayon. Naalala ko pa noon nasa hi skol ako, may nagtanong kay Tiyo sa Airport kung sinu ako, ang sagot nya bunsong anak (isang alaala na kapag nakakaramdam ako noon na hindi ako kabilang sa pamilya, nagbibigay ng tibay ng loob). Sayang nga lang hindi ko man lang masusuklian ang kabutihan nya sa akin sa kadahilanang wala n siya.

Kung may kakayahan lang ako magbigay ng "best family" sila ang bibigyan ko ng parangal. At kahit kailan hindi ko masusuklian ang kabutihan at kabaitan nila sa akin pati na rin sa aming pamilya. Nagsikap akong igapang ang pag aaral ng aking kapatid at mga pamangkin dahil sa nakita kong dedikasyon nila sa pag-papaaral sa mga anak. Mula kay Tiya, sa pagigi niyang organised sa lahat ng bagay, at kung paano ko dapat pahalagahan ang aking kinikita. Bigla kong namiss ang Pasko at fiesta kc iyong ang oras ng uwi ng lahat. Ang dami kong regalo at ramdam n ramdam ko ung gaano nila ako pinahahalagahan. Kuya Bantoy sa kanyang generosity(mag-aabot ng pera, sabay sabing wag mo na ikukwento sa iba kc mauubusan ako ng pamasahe pauwi ng mla kung lahat ng pamangkin ko bibigyan ko, hahaha) Ate Ghing for being such a wondeful ate in terms of advices, Kuya Amad sa palaging pagsaway sa akin, bhing saen ka na naman hari? Iyong mga assignments mo nagibo mo na at pamatay na sabi ni Kuya mag adal ka nin marinas ta ika sana ang makatuwang sa family mo w/c is true, ate Ems na naging ilaw ko sa pagtayo ng aking sarili sa kabila ng aking pagkukulang at pagkakamali. Ate Ams, sa walang sawang pagbuhos ng pagbigay sa aking ng damit, pati damit na rin nila mama :) Ate Ai sa mga girly gitfs, kikay things (ate ai, revelation sa gabos na tugang mo po, saimo lang ako takot)hahaha!

Walang makakapantay sa mga kabutihang ginawa nila sa akin. Habambuhay kong dadalhin ang kagandahang asal na ipinamulat nila sa akin. Habambuhay kong tatanawing utang na loob. Sila ang humubog/nagturo/tumulong/at nagpakita sa aking ng kahulugan ng salitang PAMILYA. Sorry kc naging pasaway ako ^_^

Sana next year pag-uwi ko makasama ko kayo. Kahit isang araw lang. Hopefully sa birthday ni Tiya. Salamat ng marami sa tulong at pagkalinga sa akin. basta salamat talaga sa gabos. (bagi aram ko na pagnabasa ini ni ate ams sasabihun ang drama ni bhing)haha!

Tuesday, June 8, 2010

Ganap Na Kasiyahan

The Emcee

Vina Morales at Mark Bautista

Vina Morales, Mark Bautista at Giselle Sanchez


Ate Liza at Ate Edith

The Gang habang nag-aantay ng service papunta sa venue



Entrance of Taoyuan Stadium

Noong nakaraang Linggo ay isang malayang araw para sa isang tulad kong OFW. Kasabay nito ang pagdiriwang ng Philippines Independence Day sa Taoyuan Stadium na dinaluhan ng entertainer galing sa sarili natin bansa, ito'y pinangunahan ni Ms. Vina Morales, sinabayan ng riot sa katatawanan ni Ms. Giselle Sanchez, rakrakan sa himig ng spongecola at makatindig balahibong panghaharana ni Mr. Mark Baustista. Marami din panauhin galing sa iba't ibang organisasyon sa Taiwan at representatives ng CLA (Counsel of Labor Affair),present din ang mga galing sa embahada ng Pilipinas at di rin nagpahuli ang mga grupo ng Filipino Community dito sa Taiwan.
Masasabi kong isang napakalaking karanasan ang makadalo sa pagtitipon ng mga OFW. Ang saya pala, sana noon ko pa ito ginawa ^_^. Isang Misa ang aking dinaluhan na nagpabago ng lahat.(di ko na sasabihin kasi napaka personal ng aking naramdaman sa oras na iyon) Thank you Lord!

Ang pinakamagandang nangyari ay ang pagkakasundo namin ng aking Ninang. Siya ang dahilan bakit ako nasa Taiwan, lahat ng tulong at pang-unawa ibinigay niya sa akin ngunit sa kadahilanan na hindi niya kayang kunsintihin ang life na gusto kong tahakin mas minabuti nya na umiwas at wag makibalita sa akin. Ako din at that time blinded ako sa salitang "love". Matapang ako, matigas ang ulo at mag-isa kong binaybay ang pasilyo na akala ko magbibigay sa akin ng ganap na kasiyahan at kalayaan. Ngunit humantong sa di inaasahan pagkakataon, muli akong binigyan ng mga bagay na dapat pagpilian ang puso o pagkakataon para magbagong buhay. Alin ang dapat kung piliin? Sa pagkakataon na ito dapat walang masasayang sa mga desisyon ko at dapat wag kong makaligtaan na kailangan kong mapanindigan sa kadahilanang ito ang huli kong baraha para maging mabuti ang hinaharap. 5 taong ko siyang di nakausap at hindi nakita. Ngunit ang namamagitan sa amin ay tali na nag uugnay mula pa noon ako ay binyagan. Ganun pala ang pakiramdam, sa munting tinig ko lahat ng hinanakit nya at sama ng loob biglang nawala at back to normal na kami. Hindi matutumbasan ng kahit magkano ang sayang naramdaman ko ng sabihin kong "I'm sorry" . Walang tatamis pa sa aking narinig ng sabihin niya sa akin, "Bhing, anak di naman ako nawala ikaw lang ang lumayo" Sobrang saya ko at thankful dahil buo na ulet ang buhay ko. Iyong mga taong iniwan ko at nakalimutan sila din pala ang bubuo sa aking pagkatao.

Napapaisip ako, binalikan ko lahat ng saya, lahat ng pagsubok, lahat ng sakripisyo at masasayang alaala ng kahapon ngunit napakahirap tanggapin mas lamang pala ang luha sa ngiti at mas lamang ang pagpapakamartir sa dapat sanang pundasyon ng magandang samahan. Nagsisisi ba ako? Siguro hindi naman pagsisisi kundi panghihinayang sa mga nagdaang panahon na hindi ko na pwedeng balikan at panghihinayang sa oras na nakaligtaan ko ang mga taong totoong nagmahal at nagpahalaga sa akin subalit nakaya ko silang talikuran dahil sa pagnanais kong masunod ang "love". (To make the story short, ang tanga tanga ng Gumamela.)

Sa kabuuan, ang unang linggo ng Hunyo ang nagpagising sa aking kamalayan para ibangon ang sarili. Gising na gising na ako at malayang yayakapin ang buhay na ito.