Yakap Na Pangarap


Pasikot sikot sa madilim na eskinita,
Bitbit ang sardinas na lata,
Kalansing ng isang sentimo,
Isang musika na nakakapanlulumo.

Hapong-hapong ang mukha,
Tumatagaktak ang pawis,
Boses namamaos,
Sa maghapong pamamalimos,

Minamasdan ang paligid,
Walang kislap,
Nababalot ng lumbay,
Sa taghirap na paglalakbay.

Natatakam sa sorbetes,
Naglalaway sa tsokolate,
Nakahilerang tsinelas sa bangketa,
Kailan mabibili?

Kumikislap na ang Parol,
Sana may noche buena sa hapag,
Naririnig na karoling,
Sana si Santa Klaus dumating.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.