Laro ng Pag-ibig

Sa kabilang dako:

Nakikinig ng awitin sa kwarto,
Pilit kinakapa ligaya sa puso,
Inaapuhap ang natigmak na bugso,
Ng damdamin noon ay tuliro.

Sinasabayan ang saliw ng musika,
Sa bawat kumpas umiindak ang paa,
Sasayaw bang tuluyan o makikinig sa nagmamanipula?
Luha ba talaga ang kapalit ay ligaya?

Pangakong idinudulog sa paanan,
Sumpang pag-uwi magsasamang masaya,
Buong puso bang tatanggapin?
O sumabay sa larong gustong tahakin?

Sa kabilang ibayo:

May isang dilag, umaasa sa pangako,
Walang alam sa tunay at totoo,
Pilit ikinikintal sa isip nag-iisa sa puso,
Ang nakaraan ay isa lamang na kahapon.

Pinanghahawakan ang sumpaan,
Pagbalik siya lang ang uuwian,
Magsasama hanggang sa dapithapon,
Ipaglalaban at iingatan sa kahit anong hamon.

Ang realidad:

Dalawang nilalang ang umaasa at pinapaasa,
Nagtatampisaw sa malapit at malayong ligaya,
Saan hahantong ang ganitong sistema?
Kung bawat isa gustong sumugal sa abot kaya.

(Paunawa: likha lamang ng malikot kong imahinasyon)

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

8 Share your thoughts

tsk!!!

wala na akong masasabi pa dahil lahat ay sinabi mo na!

but i love this:

"Saan hahantong ang ganitong sistema?
Kung bawat isa gustong sumugal sa abot kaya."

ako kaya kelan kaya ako ulit makakapagpost? haaaaayyy!

@azel,magsulat kn, for sure mgnda ang kalalabasan....

another nosebleed poem ate Bhing... hanggaling moh sa gayagn tipong poem... nde koh na 'lam ang salitang pag-ibig... dahil wala na ang aking iniibig... akoh lang palah ang nagmamahal nang labis... na nagdulot lamang nang luha at hinagpis... wehehhe.... ano daw?! ahaha... naaliw lang akoh sau kc... hanggaling moh.... hangdeep nang ibah... ingatz ate Bhing... teka.. special mansyon ka palah sa page ni kuya Ching ahh... ayos... so yeah... ingatz.. have a blessed new year! Godbless! -di

@Dhianz, malikot lng ang aking imahinasyon... sinabayan ng panahon, malamig, malungkot kaya kung anu0ano ang pumapasok sa isip ko... LOL!

takot magmahal ang Bella? sana ds 2010 mahanap mo c edwrd or jacob>>> :)

bhing,
baka mahanap muna si basilio haha regards lang kita kay sisa.... good luck sa 2010 mo.. ingats.

ching

haha! ngyon basilio n nmn, ...asan b c sisa? db dpt c krispin ang hahanapin...LOL!


salamat!

bhing,
si crispin kasi nag tampisaw kaya ang may ari ni sisa ngayon si basilio hahaha..

ching

loko ka ching, anu yan corruption of minor... LOL!