Monday, November 9, 2009

Sa Piling Ng Nagmamahal

Masarap damhin ang pagsinta,
Ng walang humuhusga at kumukutya,
Parang panaginip, nasa ibang planeta,
Ito kaya'y totoo na?

Busilak na intensyon ang idinudulog,
Makulay na umaga ang hangad,
Pasuyong ni sa guniguni hindi maapuhap,
Ang kasalan ba ay magaganap?

Sa piling ng nagmamahal puno ng ligaya,
Dahan dahan lang ang pag usbong ng gumamela,
Takot unti unting nawawala sa pag-ibig Niya,
Nawa'y may basbas na relasyon, doon ako mapunta.

5 comments:

Lord CM said...

Wow!!Hangad kong matupad ang iyong kahilingan :)

Bhing said...

tnx po!

sana...

sana...

malapit na... Lol!

A-Z-E-L said...

tantantaran! tantantaran! tantantaran... tantaran... tantaran...(repeat until it came true! lolz!)

wedding bells?
kelan???

The Pope said...

Pinatatawag mo raw ako para sa nalalapit na kasalan? Hahahaha

Ako'y nagagalak sa isang malaking pagbabago sa iyong buhay, kung saan sa iyong pagharap sa katotohanan ay nakamtan mo ang tunay kaligayahan ng pusong iyong inaasam.

Pagpalain ka ng Maykapal.

Bhing said...

@ azel, ikaw kailan ikakasal??? lol! wedding singer k ha?

@kuya george, tnx po ng madami, lalo n sa prayers!