Seven Last Words of Christ

1. Father, forgive them for they know not what they do
2. Today you will be with me in Paradise


3. Behold your son: behold your mother



4. My God, my God why have you forsaken me



5. I thrist
6. It is finished




7. Into your hands I commit my spirit





SI HESUS ANG SAGOT


Buhay ko'y litong-lito, gulong-gulo,
Walang mapuntahan dito sa mundo,
Pagsubok at unos tila ba bagyo,
Pangarap na kay ganda nawala't naglaho.

Kalungkutan damang-dama sa pag-iisa,
Kaluluwa'y lumilipad parang saranggola,
Siphayo't hinanakit ay dala-dala,
Bigat ng problema 'di na makaya.

Sinong pagkakatiwalaan, sinong lalapitan?
Kaibigan pinabayaan at iniwanan,
Piping dalangin sarili'y naway matagpuan.
Sa landas ng pakikibaka si Hesus ang daan
Si Hesus ang sagot sa bawat unos,
Siya'y handang tumanggap at tumulong,
Bukas palad ang kamaynoon, at magpahanggang wakas,
Pag-ibig Niya'y busilak at 'di nasusukat
Kanyang pangako buhay na magpakailan man,
Manalig at umasa sa Kanyang kapangyarihan,
Tanggalin ang duda at pag aalinlangan,
Sapagkat si Hesus ang katotohanan.

Si Hesus ang sagot sa bawat kabiguan,
Sa Kanya may tunay na tagumpay,
Kababaang loob at pagsisi ang Kanyang hinihintay,
Upang pagpapatawad Kanyang maibigay.
Si Hesus ang tanging daan,
Ang tugon sa ating pangangailangan,
Buhay Niya inilaan
Kapalit ng kalayaan natin sa kasalanan.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

2 Share your thoughts

Isang makabuluhang post ngaung Byernes Santo.

A Blessed Good Friday to you and your family.

ayun.. ayun... inulit.. nawala ang comment ko!

sabi ko nga.. favorite ko ung #3 "Behold your Son: behold your mother"

Have a Blessed Lent...
Happy Easter na rin...

Ads2